Former Hashtag Jon Lucas celebrates first wedding anniversary with ex-It's Showtime dancer

IMAGE Noel Orsal / @lucas_aljhon

Former Hashtags member Jon Lucas posts emotional message for wife on their first wedding anniversary.


Proud na nag-post sa Instagram ang dating Hashtags member na si Jon Lucas tungkol sa first wedding anniversary nila ni Shy Feras, dating It’s Showtime dancer.

Ang Hashtags ay ang all-male celebrity group, kung saan dating miyembro si Jon, na lumalabas sa nasabing ABS-CBN daily noontime show.

Kung dati ay inilihim ni Jon ang tungkol sa pagiging pamilyado niya, mas vocal ngayon ito sa social media.

“Happy 1st Wedding Anniversary Mahal kong asawa! SALAMAT SA LAHAT NG GINAWA MO PARA SA AKIN AT PARA SA ANAK NATIN!” simula ni Jon sa Instagram post niya nitong October 25.

Inalala pa ng 23-anyos na Star Magic talent ang paglayo noon sa kanya ni Shy dahil ayaw nitong masira ang career ni Jon at gulung-gulo kung ano ang uunahin—career o personal na buhay.

“Grabe lang talaga yung pagsubok na nagdaan noon, naghalo-halo na sa isip ko yung mga bagay bagay!

“Ang dami pang kumplikadong pangyayari sa buhay na talagang nakakapanghina ng loob!

“Mabuti nalang talaga at malakas ang asawa ko, buti bago nangyari ang lahat natamnan ka na ng matibay na pananampalataya!”

FOR LIFE

Ayon pa sa mensahe ni Jon, si Shy ang dahilan upang mas maging mabuting tao siya.

“Ikaw yung inakay ko pero ikaw ang umaakay sakin sa lalong pagbabagong buhay. Napakalaking tulong mo sa buhay ko!

“Ang sarap magmahal ng taong dadalhin ka sa tamang landas!

“Alam ko marami akong pagkukulang sa'yo at sa maraming tao at aminado ako na wala akong kwentang tao.. pero lagi mong iisipin na nagkasaysay buhay ko nung naging asawa kita at naihandog natin ang anak natin sa Ama!”

Sa huli, sinabi ni Jon na nakikita niyang panghabambuhay ang pagsasama nila ni Shy.

“Ano man ang mangyare wag na wag kang bibitiw!

"Kung ano man meron ka ngayon! TUNAY YAN! Dadalhin ka niyan sa tunay na gantimpala!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I LOVE YOU! Ikaw lang mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko."

Nitong July unang aminin ni Jon na isa na siyang ama, matapos ang mga usap-usapang nakabuntis siya ng isang It’s Showtime dancer, dahilan upang masuspinde siya sa programa.

Eleven months old na ngayon baby boy nina Jon at Shy. 

View this post on Instagram

Happy 1st Wedding Anniversary Mahal kong asawa! 🙂 SALAMAT SA LAHAT NG GINAWA MO PARA SA AKIN AT PARA SA ANAK NATIN! Grabe yung sakripisyo mo para kay Brycen, lalo na nung time na kakawala lang ng mommy ko! Mga panahong wala ako sa ulirat, mga panahong hindi ko alam anong uunahin ko sa buhay. Mga panahong medyo nakalimutan kong kamustahin ka dahil sa malayo ka 😞 nagpakalayo layo ka para sa kapakanan ko na habang ginagawa mo yon hindi ko naman naisip kapakanan mo. Grabe lang talaga yung pagsubok na nagdaan noon, naghalo-halo na sa isip ko yung mga bagay bagay! Ang dami pang kumplikadong pangyayari sa buhay na talagang nakakapanghina ng loob! Mabuti nalang talaga at malakas ang asawa ko, buti bago nangyari ang lahat natamnan ka na ng matibay na pananampalataya! Mabuti na kahit wala ako sa tabi mo matibay ang pag-asa at pananalig mo sa Ama na magiging maayos din ang lahat! Kaya tignan mo naman ang binigay ng Diyos sa atin dahil sa pananalig mo sakanya! Naging maayos ang lahat. SALAMAT una sa lahat pinagbigyan mo ako na mapakinggan ang mga aral na sinasampalatayanan ko! At salamat sa Diyos dahil tinawag ka niya sa loob ng Iglesia! Yun lang naman ang lagi kong iniisip "BASTA MAHAL KO SA BUHAY AYAW KO MAPAHAMAK PAGDATING NG ARAW"! Bilib ako sa tibay mo! Ikaw yung inakay ko pero ikaw ang umaakay sakin sa lalong pagbabagong buhay. Napakalaking tulong mo sa buhay ko! Ang sarap magmahal ng taong dadalhin ka sa tamang landas! Alam ko marami akong pagkukulang sa’yo at sa maraming tao at aminado ako na wala akong kwentang tao.. pero lagi mong iisipin na nagkasaysay buhay ko nung naging asawa kita at naihandog natin ang anak natin sa Ama! Ano man ang mangyare wag na wag kang bibitiw! Kung ano man meron ka ngayon! TUNAY YAN! Dadalhin ka niyan sa tunay na gantimpala! 🙂 I LOVE YOU! Ikaw lang mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko ❤️❤️❤️ #25

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on


Stories We Are Tracking

Jon Lucas reveals identity of wife Shy Feras
Jon Lucas reveals identity of wife Shy Feras
Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas admits he's now a father and a married man


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN