JK Labajo sick of defending himself from bashers

IMAGE Courtesy: @OfficialJuanKarlos on Facebook

JK Labajo ends word war with bashers but says, "Hinihintay ko na lang ang araw na mag-apologize kayong lahat sa pagsira sa pangalan ko at sa pagtapak sa pagkatao ko."


Nais nang tuldukan ni JK Labajo ang pakikipagsagutan sa bashers bunsod ng "gayness at its finest" tweet diumano niya tungkol kay Darren Espanto.

Sa kanyang tweet ngayong Huwebes ng hapon, October 25, sinabi ng 17-year-old Kapamilya singer na pagod na siyang ipagtanggol ang sarili laban sa mga paratang at batikos na natanggap niya mula nang lumabas ang word war nila ni Darren sa social media.

Darating din daw ang araw na malilinis ang nasira niyang pangalan dahil sa isyung ito.

Sabi ni JK, “At dyan na nagtatapos lahat. I'm done with defending myself from people na utok bulinaw.

“Lalabas din katotohanan. Hinihintay ko nalang ang araw na mag-apologize kayong lahat sa pagsira sa pangalan ko at sa pagtapak sa pagkatao ko.

“Mahihiya rin kayo sa lahat ng ginawa ninyo. End.”

Ang "utok bulinaw" ay salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kapiranggot lang ang utak katulad ng sa isdang dilis.


Stories We Are Tracking

Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet
Darren claps back at basher calling him
Darren claps back at basher calling him "bakla"
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren

TWEETS FROM DARREN’S DAD?

Kaninang umaga, nag-post din si JK sa Twitter ng screenshots ng mapanirang tweets tungkol sa kanya.

Hindi tinukoy ni JK kung kanino galing ang tweets, pero ilang netizens ang naghinalang baka ito ay galing sa ama ni Darren na si Lyndon Espanto.

Pero hindi kumpirmadong account ito ng ama ni Darren.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng kampo ni Darren sa nasabing tweets. 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN