The Voice finalist Daryl Ong gets bashed over Darren Espanto-JK Labajo issue

IMAGE Daryl Ong Facebook

Daryl Ong on his Facebook post about coming out: "Hey guys, it was just an open thought. No hate here. Ang point ko is pagiging totoo sa sarili NO MATTER WHAT. Yun lang. wala akong inaakusahan."


Nadadawit ngayon ang pangalan ng singer na si Daryl Ong sa isyung kinasasangkutan nina Darren Espanto at JK Labajo.

Si Daryl, 31, ay naging finalist sa The Voice of the Philippines Season 2 noong 2014.

Sina Darren at JK ay finalists naman sa The Voice Kids noon ding 2014.

Nagkaroon ng word war sa pagitan nina Darren at JK, parehong 17 years old, matapos diumanong mag-tweet si JK ng "gayness at its finest" patungkol kay Darren.

Itinanggi ni JK ang akusasyong ito at idinahilang na-hack daw ang kanyang Twitter account.


Stories We Are Tracking

Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet
Darren claps back at basher calling him
Darren claps back at basher calling him "bakla"

Sa kasagsagan ng sagutan ng dalawang batang singers, isang mahabang Facebook post ang ginawa ni Daryl noong October 23.

Dito ay sinabi ni Daryl na hindi siya mag-aaksaya ng panahong mag-react kung sakaling siya ang tawaging bakla, lalo na kung hindi naman ito totoo.

Saad niya, “At kung nagkataon mang totoo, eh ano naman? Ano ngayon? Bat mo naman itatago?

"Pag bakla ka ba criminal ka? Does it make you less of a person? Less of an artist?

"Pag bakla ka ba nabawasan ba galing at kakayahan mo sa kung saan mang larangan ka nakikipag sapalaran? Nabawasan ba talino mo?"

Makahulugan pang mensahe ni Daryl, “Di ko kasi talaga gets bakit hanggang ngayon na 2018 na may mga public figure pa rin na nagpapanggap maging lalake, tapos pag na issue, papalag-palag.

"Ano ba binebenta mo? Talent mo o kasarian mo? Bat kelangan pa kase magpanggap. Bat di nalang magpaka-totoo.

"Masarap maging totoo sa sarili at sa maraming tao. Mas masarap yung niyayakap ka ng tao kung sino ka talaga.”

DARYL GETS BASHED

Bumuhos ang maraming komento mula sa netizens at marami rito ay binatikos si Daryl.

Ayon sa ilang netizens, malinaw raw na ang post ni Daryl ay may kinalaman sa isyu nina Darren at JK.

Buwelta pa ng netizens, tila pinipilit ni Daryl na paaminin si Darren sa tono ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot dito si Daryl, sa pamamagitan ng Twitter, upang ipagtanggol ang sarili.

Wala raw siyang pinatutukuyan at saloobin lang niya ang ginawang post.

Aniya, “Hey guys, it was just an open thought. No hate here.

"Ang point ko is pagiging totoo sa sarili NO MATTER WHAT. Yun lang.

"wala akong inaakusahan. I just shared my perspective AYON SA NASAKSIHAN KO SA LOOB for the past 4 years."

Maraming netizens ang sumagot kay Daryl at sinabing ang ginawa ng singer ay isang uri ng pambu-bully dahil hindi madali ang pag-amin para sa isang “closeted” member ng LGBT community.

Sumunod na tweet ni Daryl, nadamay pa raw ang kanyang anak dahil sa pagpapahayag niya ng opinyon.

“Wala naman akong pinangalanan. Tsk tsk. Masyadong defensive naging offensive na hehe,” bahagi ng tweet ni Daryl.

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN