Cristine Reyes spotted with daughter at Boracay reopening sans Ali Khatibi

IMAGE @cristinereyes Instagram

Spotted si Cristine Reyes at ang kanyang three-year-old daughter sa Boracay reopening, ngunit kapansin-pansing missing in action pa rin ang mister niyang si Ali Khatibi sa kanyang vacation photos sa Instagram.


Isa si Cristine Reyes sa celebrities na spotted sa Boracay, na opisyal na binubuksan muli sa publiko simula ngayong Biyernes, October 26.

Ito ay matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng six-month shutdown sa Boracay kaugnay ng clean-up drive ng gobyerno.

Kahapon, October 25, nagbahagi si Cristine sa kanyang Instagram ng ilang litrato ng kanyang pagdating sa Boracay.

May caption itong "Boracay baby."

View this post on Instagram

boracay baby 💓

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Base sa kanyang Instagram Story, ipinakita rin ni Cristine na kasama niya ang three-year-old daughter sa pagbabakasyon doon.

Makikitang binabantayan niya ang anak na masayang nagsu-swimming sa isang hotel pool.

HUSBAND ALI STILL MIA?

Kapansin-pansin na tila missing in action (MIA) pa rin ang mister ni Cristine na si Ali Khatibi sa bonding ng mag-ina.

Ilang buwan nang mayroong espekulasyon sa umano'y hiwalayan ng mag-asawa.

Nito lang October 9, hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na hindi na ginagamit ni Cristine ang kanyang married name sa kanyang Instagram handle. 

Pinalitan niya ng @cristinereyes ang dating Instagram handle na @mrscristinekhatibi.

Mula pa noong Pebrero ay hindi na rin nagpu-post si Cristine ng litrato kasama si Ali sa kanyang Instagram. 

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 7, nakasaad na isang source ang nagsabing hiwalay na sina Cristine at Ali bago pa man nagbakasyon ang aktres kasama ang anak at mga kapatid sa Boracay noong March.

Sinubukan ng PEP.ph lead correspondent na si Arniel Serato na hingan ng reaksiyon si Cristine hinggil sa isyu sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa kapatid nitong si Ara Mina.

Ayon kay Ara, "deadma" ang tanging sagot ni Cristine sa isyung hiwalayan nila ni Ali.

GOOD TIME IN AUSTRALIA

Kung anu't ano man, tila nananatiling positibo si Cristine na nakapamasyal sa Sydney, Australia nang magtungo siya roon kasama ang ilang Kapamilya stars para sa isang concert show.

Sa kanyang Instagram photos ng Bondi beach, inilarawan ng aktres na "healing water" ang pakiramdam kapag siya ay nakakapagtampisaw sa dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa isa pang post, "waves of bondi beach is so calming."


Stories We Are Tracking

Cristine Reyes removes husband's surname on social media
Cristine Reyes removes husband's surname on social media
Cristine on rumors about separation from Ali: Deadma
Cristine on rumors about separation from Ali: Deadma
Cristine still vague about marital status with husband Ali
Cristine still vague about marital status with husband Ali
Boracay Stories: Celebrity sightings, fights, issues in Bora
Boracay Stories: Celebrity sightings, fights, issues in Bora


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN