Albie Casiño recalls past ordeal fending off wrongful paternity issue

IMAGE Noel Orsal

Albie Casiño is happy that the issue with Andi Eigenmann has ended: "So, parang after all of the bad times that happened, mas masaya na ang pangyayari ngayon. Now, we are always just thankful na tapos na lahat yun."


Hindi naging madali para sa pamilya ni Albie Casiño ang kanilang pinagdaanan noong kasagsagan ng isyu sa pagitan ng aktor at ni Andi Eigenmann na nagsimula noong taong 2011.

Sa panayam kay Albie at sa ina nitong si Rina Casiño sa episode ng ABS-CBN show na Magandang Buhay noong October 23, ikinuwento ng ina ng aktor na may usapan sila sa pamilya na huwag magsalita tungkol sa isyu.

Sabi ni Rina, "Nung time na yun, bata pa si Adam [Casiño, kapatid ni Albie].

"You know, our family's stand is to keep quiet.

"So, sabi ko sa kanya, kapag may naririnig kunwari sa labas na any negative or ano, as much as possible, keep quiet.

"Walang mangyayari kung papatulan mo.

"They don't know the whole story, but our family, we know.”

Inamin din ng ina ng aktor ang depresyong pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa isyung kinasangkutan ni Albie.

Kuwento ni Rina, “During that time, I will tell you, I got depressed.

"Alam mo ang incident na yun, si Albie came out in the open, nagka-anxiety siya.

“Si Adam also. We all went through that.

"But through it all, basta nandiyan ang love, we will have each other no matter what.”

THE TRUTH FINALLY CAME OUT

Sa panig ni Albie, hindi raw siya nagsasalita dahil ayaw niyang makasakit ng babae.

Sabi niya, "Well, since babae rin kasi, hindi ba?

"Automatic ang sympathy, nasa babae.

"Ako rin bilang lalaki, I don't want to badmouth a female.

"Doon ko na po nasimulan ang pag-practice ng the art of deadma.

"Deadmahin mo na lang lahat."

Pagkatapos ng limang taon, noong 2016, napatunayang si Jake Ejercito—anak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa aktres na si Laarni Enriquez—ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Si Jake ay matagal ding naging on-and-off boyfriend ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Albie, nagpasalamat siyang natapos na ang pagsubok na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya na halos umabot ng anim na taon.

Sabi pa ng 25-year-old Los Bastardos star, “Hindi mo naman makukuha ang good times kung walang bad times.

"So, parang after all of the bad times that happened, mas masaya na ang pangyayari ngayon.

"Now, we are always just thankful na tapos na lahat yun.”


Stories We Are Tracking

Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?
Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN