Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's physical-abuse accusation

IMAGE Noel Orsal

Pia Magalona (right) posts cryptic tweets about "fake news" and "personality disorder" amid Janella Salvador's accusations against Pia's son, Elmo Magalona (left).


Nananatili pa ring tikom ang bibig ng kampo ni Elmo Magalona hinggil sa akusasyong pananakit diumano nito kay Janella Salvador.

Pero sa kabila ng pananahimik ni Elmo, dalawang cryptic messages ang ipinost ng ina niyang si Pia Magalona sa Twitter noong October 23, Martes—ang araw kung saan lumabas ang balitang magsasalita na si Janella tungkol sa balitang sinaktan umano siya ni Elmo.

Ang aktuwal na rebelasyon ni Janella ay nailathala sa The Philippine Star noong Miyerkules, October 24.

Iniuugnay ng ilang netizens ang mga tweet na ito ni Pia sa isyu nina Elmo at Janella.

Si Pia rin ang tumatayong talent manager ni Elmo.

Ang unang tweet ni Pia ay tungkol sa fake news, na mula sa column ni John Nery ng Philippine Daily Inquirer na may titulong "Rizal, Pope Francis—and the logic of the Snake."

Mensahe ng misis ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona: “‘Fake news’ and other forms of disinformation are not accidents of information technology; they are human decisions, and follow a certain if cruel logic. Again, the 3Ds: Deliberateness. Disguise. Deception.”

Ang pangalawang tweet naman ni Pia ay may kinalaman sa “borderline personality disorder” o BPD.  

Tweet niya: “In borderline personality disorder, devaluation often alternates with idealization. They may shift from great admiration for a loved one — idealization of that person — to an intense anger or dislike towards that person — devaluation of that person.”

Kalakip ng tweet na ito ni Pia ang artikulong “Devaluation and Idealization in Borderline Personality Disorder.”

Ayon sa artikulo, defense mechanism ng isang taong may BPD ang idealization at devaluation.

Idealization ang lubos na pagpuri o paghanga sa tao, samantalang devaluation ay paghahanap ng mali sa tao.

Bahagi ng artikulo, “In borderline personality disorder, devaluation often alternates with idealization. For instance, a person with BPD may shift from great admiration for a loved one — idealization of that person — to an intense anger or dislike towards that person — devaluation of that person.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong tweets ay maraming netizens ang nag-react.

Ang ilan sa kanila ay iniuugnay ang mga ito sa isyung kinasasangkutan nina Elmo at Janella.

 

LAND OF THE LOVING

Noong October 23 din ay nag-post si Pia ng larawan ng mga anak niyang sina Elmo at Frank Magalona sa Instagram.

Caption dito ng celebrity mom: “Here in the land of the loving I am home.”

Kalakip din ng maiksing caption ang tatlong heart emojis.

Maraming netizens ang nag-react sa comments section at nagbigay ng mensahe ng pagsuporta kay Elmo.

Pero malakas din ang pagkontra ng ilang netizens sa akusasyong pananakit diumano ni Elmo kay Janella.

Ang iba ay nag-uudyok kay Elmo na magsalita at sagutin ang akusasyon laban sa kanya.

THE ISSUE

Sina Elmo, 24, at Janella, 20, ay kilalang love team sa ABS-CBN at napapabalita ring magkasintahan sa tunay na buhay.

Nitong September, nag-post si Janella at ina niyang si Jenine Desiderio tungkol sa physical abuse, pero wala silang pinangalanan.

Gayunpaman, inisip ng fans ng ElNella—tawag sa love team nina Elmo at Janella—na ang pinatutungkulan ng mag-ina ay si Elmo.

Tumibay ang hinalang ito ng fans nang i-tag ni Jenine si Elmo sa kanyang tweet tungkol sa physical abuse.


Stories We Are Tracking

Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence
Janella, Jenine have cryptic posts about physical violence

September din nang kumalat sa social media ang screenshots ng Instagram Story video ni Janella, kung saan napansin ng netizens ang pasa sa kanang braso nito.

 IMAGE Photos grabbed from YouTube / CTTO

Lumabas kamakailan ang mahabang statement na ginawa ni Janella sa Instagram Story, bilang sagot sa paratang na nagsisinungaling silang mag-ina sa akusasyong pananakit diumano ni Elmo sa young actress.

Ani Janella, naninindigan siya sa kanyang mga binitawang salita at kaya niya itong patunayan.

Hayagan na ring pinangalanan ni Janella si Elmo.  

Sabi pa ng young actress, hindi man siya laging sang-ayon sa inang si Jenine, pero hindi raw siya iniwan nito kanyang pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila may patama pang pahayag ni Janella, “I may not agree with the way she [Jenine] posts everything but at least, she isn’t a mom/manager who only cares about her image and PR and resorts to ‘damage control’ instead of owning up to their mistakes.”

Nito lamang Miyerkules, October 24, nagsalita na si Janella sa akusasyong pananakit ni Elmo sa kanya.

Sa exclusive interview ni Ricky Lo, sinabi ni Janella na hindi lang isang beses siya umanong sinaktan ni Elmo. Elmo.

Ayonpa sa dalaga, nakainom diumano si Elmo nang mangyari ang mga pananakit nito sa kanya.


Stories We Are Tracking

Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo

Nitong Biyernes, October 26, bago sumapit ang tanghali, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph kay Pia via Instagram para hingan ng statement sa akusasyon ni Janella kay Elmo.

Wala pa kaming natatanggap na sagot.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN