Nash Aguas admits past romantic relationship with Alexa Ilacad

IMAGE Noel Orsal

Nash Aguas on breakup with Alexa Ilacad: "Priority siguro. And siguro yung group of friends namin, nag-iba. 'Tapos siguro nung time na yun, wala naman kaming project together, so hindi na kami laging nagkakasama."


Nagsalita na si Nash Aguas tungkol sa pagkakabuwag ng love team nila ni Alexa Ilacad, ang NLex, at sa totoong naging ugnayan nila noon.

“Parang may mga priorities na iba,” sabi ng 20-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Class of 2018.

Ginanap ang presscon sa Limbaga 77 restaurant, sa may Quezon City, nitong Huwebes ng hapon, October 25.

Kinumpirma rin ni Nash na hindi na sila nag-uusap ni Alexa.

“Ay, wala na. Pero nagkikita po kami sa mall shows,” sabi ng binata.

Ilan sa mga pinagtambalang proyekto nina Nash at Alexa sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Luv U, Bagito, Doble Kara, at The Good Son.

Sa hiwalay na panayam kay Alexa ay nagpahiwatig itong hindi naging maganda ang kinahinatnan ng love team nila ni Nash.

Pahayag ni Nash tungkol dito, “Ano kasi yun… actually dati… matagal na yun, naghiwalay po kami...

“So, parang after nun, nag-usap kami.

“Ako po kasi yung tipo ng taong ayokong mag-leave ng relationship, kumbaga, may bad blood.

“As much as possible, kung maghihiwalay naman, bakit hindi maghiwalay nang [maayos]?”


Stories We Are Tracking

Alexa Ilacad confirms breakup of love team with Nash Aguas
Alexa Ilacad confirms breakup of love team with Nash Aguas

ROMANTIC RELATIONSHIP

Dahil sa sinabi ni Nash na "naghiwalay" sila ni Alexa, inusisa siya kung naging sila ba talaga sa likod ng camera.

“Hindi po... naging MU [mutual understanding],” sagot niya.

Nang mag-react ang press na iisa ang kahulugan ng totoong relasyon sa mutual understanding, sumang-ayon na rin si Nash.

“Oo, di ba? Yun nga e,” nangingiti niyang sambit.

Pagkatapos nito ay naghayag na ng saloobin si Nash tungkol sa naging relasyon nila ni Alexa.

Saad niya, “Parang ganun na rin kasi pinag-usap pa kami ng Star Magic. 

“Kumbaga, trinay naman po talaga naming ayusin.

“Kahit ako… sinabi ko rin ito, trinay kong ayusin.

“Pero siyempre, like, nung time na yun, 16 [years old] si Alexa, lumalaki na rin siya, nagkakaroon na rin siya ng ibang friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, nahuhubog na yung personality niya talaga at nagiging sobrang madami na yung differences.”

MIKA DELA CRUZ

Itinanggi ni Nash na si Mika dela Cruz ang dahilan ng hiwalayan nila ni Alexa.

Pero aminado ang binata na matagal na niyang crush si Mika at nililigawan niya ito.

Ayon kay Nash, “Nung nag-break kami ni Alexa…

“Parang two months na kaming hiwalay ni Alexa, saka kami nagkita [ni Mika] doon sa reunion ng Goin’ Bulilit.”

Ang Goin’ Bulilit ay ang kiddie gag show ng ABS-CBN, kung saan nagkasama sina Nash, Alexa, at Mika.

Sina Nash at Alexa ay nasa bakuran pa rin ng ABS-CBN, habang si Mika ay nasa GMA-7 na.

Hindi kaya naramdaman ni Alexa na mayroon pa ring gusto si Nash kay Mika kahit sila na?

Pagtanggi ni Nash, “Hindi po. Kasi, in a way, hindi ko rin alam that time na gusto ko pa si Mika. 

“Parang na-realize ko lang ulit nong nakita ko lang siya.

“Parang na-hibernate yung feeling na... alam niyo po yun, parang na-set aside na…

“Kasi feeling ko, kami ni Mika, parang imposible na ulit kaming magkita e.

“So, parang wala na talaga.”

NO THIRD PARTY

Inamin ni Alexa na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Nash.

Reaksiyon dito ng binata, “Pero kasi, ang sa akin, parang nung… ako rin yung tipo ng tao na, as much as possible, aayusin ko yung problema.

“So, trinay kong ayusin. Parang tatlong beses, nung nagkakaproblema kami ni Alexa, parang tatlong beses kong trinay ayusin.

“'Tapos, naalala ko, nagba-bus ako. 

“Kasi galing akong Cavite, nag-away kami, nagba-bus ako kasi wala akong kotse. 

“Nagba-bus ako para lang makapunta sa bahay nila, para makipag-usap.

“So, trinay ko talagang ayusin. 

“Pero na-realize namin parehas na siguro nga hindi kayang ipilit.”

Ano ang naging problema sa relasyon nila ni Alexa?

“Priority siguro,” sagot ni Nash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siguro yung group of friends namin, nag-iba. 

“'Tapos siguro nung time na yun, wala naman kaming project together, so hindi na kami laging nagkakasama.

“'Tapos nag-a-album siya. ‘Tapos nagkaroon siya ng ibang group of friends. 

“'Tapos, nagkaroon ako ng ibang group.”

Walang third party?

“Wala. Parang nawala na yung communication,” sabi ni Nash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN