Loisa Andalio surprises Ronnie Alonte on his 22nd birthday

IMAGE Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram

Loisa Andalio to boyfriend Ronnie Alonte: "I thank God for you dahil binigay ka niya sa akin and sa lahat ng blessing ng binigay niya sayo."


Isang sorpresang birthday celebration ang inihanda ni Loisa Andalio para sa boyfriend na si Hashtags member Ronnie Alonte.

Si Ronnie ay nagdiriwang ng kanyang 22th birthday ngayong araw, October 26.

Sa Instagram post niya ngayong gabi, sinabi ni Loisa na masaya siya dahil ibinigay ng Diyos si Ronnie sa kanyang buhay.

Makikita rin sa larawang ibinahagi ni Loisa sa Instagram ang larawan nilang dalawa na may nakasulat sa likuran na “love 22.”

Sabi ng 19-year-old actress sa caption, “SURPRISE!!!!!!! @hashtag_r2a

"I feel blessed to spend life with you.

"Sobrang thankful ako dahil binigyan ka pa ni Lord ng another year to live, love and grow…

“At sa marami pang taon na dadating!

"Masaya ako na lagi kang nasa tabi ko.

"I thank God for you dahil binigay ka niya sa akin and sa lahat ng blessing ng binigay niya sayo.

“Deserve mo yun dahil napakabuti mo.

"Excited akong magkasama nating tutuparin yung mga pangarap natin!

"Happy Birthday Beh!

“Ipagpatuloy pagiging goodboy!”

Sinamahan din niya ito ng excerpt mula sa Bibliya: “I have found the one whom my soul loves. -Solomon 3:4.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN