Sanya Lopez gushes over Pia Wurtzbach's encouraging words for her to try beauty pageants

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya beauty queen Pia Wurtzbach expresses her willingness to train Kapuso actress Sanya Lopez if ever the latter decides to train to be a beauty queen.


Kinilig si Sanya Lopez, 22, nang makatanggap ng video greeting mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ipinost pa sa Instagram ng Kapuso actress ang video greeting sa kanya ni Pia, na isang Kapamilya celebrity.

Sa short video, sinabi ng 29-year-old beauty queen na nagagandahan siya kay Sanya.

Handa ring tulungan ni Pia si Sanya na mag-train kung sakaling maisipan ng huli na pasukin ang beauty pageantry.

Mensahe ni Pia: “Hi, Sanya. Kumusta? Kasama ko si Gery ngayon. Actually, sini-stalk din kita sa IG at super ganda mo. And whenever you’re ready, we’re here waiting for you… kung gusto mong mag-train, kung gusto mong sumali, alam mo na kung sinong lalapitan mo. [I] would be happy, happy, happy to help you…”

View this post on Instagram

Can’t help myself not to post this KINILIG talaga ako. ????????love you Ms. @piawurtzbach ??

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

SANYA FLATTERED

“Kinikilig ako, syempre, Miss Universe yun. Kumbaga fan lang rin ako ni Miss Pia Wurtzbach,” bungisngis ni Sanya sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, October 25.

Ikinuwento ni Sanya na magka-message sila ni Gery Penaso, isang makeup artist to celebrities, noong araw na iyon.

Kasalukuyang kasama noon ni Gery si Pia.

Si Gery ay makeup artist nina Sanya at Pia.

Ilang saglit lang, nakatanggap ng video message si Sanya mula sa makeup artist at ito nga ay ang greeting ni Pia.

Hindi raw napigilan ni Sanya na i-post sa kanyang Instagram account ang video.

“Kinilig talaga ako nung time na yun. Pinag-isipan ko talaga, 'Ipo-post ko ba 'to? Po-post ko 'to!’ Kinikilig ako, e. So, pinost ko lang kasi wala namang masama.

“Kahit ganito ako, nag-fan mode ako nung time na yun. Ayun, nag-thank you ako sa kanya.”

MORE RESPECT FOR PIA

 Mas lalo raw tumaas ang paghanga ni Sanya kay Pia.

“Nahihiya ako kasi ang ganda rin ni Miss Pia. Ang humble para sa kanya, na marinig sa isang maganda na sabihan ka na maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tumaas ang respeto ko lalo sa kanya. Though, mataas ang respeto ko sa kanya, pero mas kinilig ako, mas naging fan pa niya ako lalo. Kumbaga, yung tingin mo sa kanya nang ganito, mas nag-level up pa,” pahayag ng Kapuso actress.

Kuwento ni Sanya, bago niya lubusang pinasok ang showbiz ay naghahanda na siyang mag-train para maging beauty queen.

Pero pinapili siya kung showbiz o pagti-train para maging beauty queen dahil kailangan niya ng full commitment.

Mas pinili ni Sanya ang showbiz.

Pero flattered daw siya pag sinasabihang malaki ang chance niyang maging beauty queen, lalo na sa mensahe ni Pia.

“Nakaka-touch talaga siya, pero kinabahan din ako na, ‘Ooops! Wait lang, kaya ko ba? Kaya ko ba if ever magdyo-join ako?’”

Dugtong niya, “'Tsaka, tulad ng sinabi ko, hindi ko naman kino-close yung door ko for that.

“Pero if ever man sana, sana si Miss Pia Wurtzbach and si Mama Jonas [Gaffud] ang kasama ko that time.”

Si Jonas ang kilalang beauty queen trainer na nag-train sa beauty queens na sina Pia, Venus Raj (Miss Universe Philippines 2010 / Miss Universe 4th Runner-up), Shamcey Supsup (Miss Universe Philippines 2011 / Miss Universe 3rd Runner-up), Janine Tugonon (Miss Universe Philippines 2012 / Miss Universe 1st Runner-up), at Ariella Arida (Miss Universe Philippines 2013 / Miss Universe 3rd Runner-up).

CHANCES OF TRAINING TO BE A BEAUTY QUEEN

Tinanong ng PEP si Sanya kung gaano kalaki ang posibilidad na pasukin pa rin niya ang pageantry.

“Hindi ko kasi masabi pa sa ngayon kasi maganda ang binibigay sa akin ng GMA.

“But if time comes na medyo wala akong ginagawa or medyo feeling ko eto na ang gusto kong pasukin talaga, why not, di ba?

“Maybe it’s time to join the Binibining Pilipinas. Why not? Maghahanda lang talaga ako.”  

Mayroon pa naman daw siyang apat na taon para pag-isipan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang age limit sa Binibining Pilipinas contestants ay 17-26 years old.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN