Maja Salvador says dating Zanjoe Marudo would be like "nagpalitan" with Bea, Gerald

IMAGE @iammajasalvador / @andersongeraldjr Instagram

Maja Salvador says possible romance with Zanjoe Marudo (left) would be "weird" because of their exes Gerald Anderson and Bea Alonzo (right), respectively. "Let's be honest po. Siyempre sa ibang tao, 'Ang weird naman, nagpalitan.'"


Aminado sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo na kung gugustuhin nila ay posibleng magkahulugan sila ng loob nang higit pa sa pagiging magkaibigan, lalo na’t nagkaroon sila ng pagkakataong mas maging malapit sa isa’t isa sa shooting ng pelikula nilang To Love Some Buddy.

Pero ayon kay Maja, pumipigil daw sa kanya ang dating history nila ni Zanjoe sa dati nilang mga nakarelasyon.

“Kasi ang tagal po naming nag-shooting, e,” saad ni Maja sa panayam sa kanila ni Zanjoe sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda kagabi, October 26.

“So may mga moments na nandun yung breakups, nung dati pa, yung ako po, yung totoong buhay.”

Noon kasing karelasyon ni Maja si Gerald Anderson ay karelasyon naman ni Zanjoe si Bea Alonzo.

Naghiwalay sina Maja at Gerald noong 2015 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

January 2016 nang tuldukan naman nina Zanjoe at Bea ang kanilang apat na taong relasyon.

Nagkabalikan naman sina Gerald at Bea matapos nilang magkatambal sa pelikula noong mid-2016.

Sa ngayon, parehong single sina Maja at Zanjoe kaya walang balakid kung sakaling maging sila.

Kung si Zanjoe ang tatanungin, tila hindi siya sarado sa posibilidad na magustuhan niya si Maja.

Paglalarawan ni Zanjoe sa pagka-ilang niya kung minsan kay Maja, “Kasi kung masyado akong kumportable, wala akong pakialam.

“May mga times na may mga ginagawa kaming scenes na nao-awkward ako.

“Hindi ko alam ba’t ako nahihiya.”

Sang-ayon si Maja na may "spark" sa pagitan nila ni Zanjoe.

Ang hindi lang daw gusto ni Maja ay lalabas na nagrigodon sila nina Bea at Gerald.

Sabi ng aktres patungkol sa pagiging boyfriend-material ni Zanjoe, “Meron.

"Aminin natin na ok sana, e.

"Kaso mga ex namin… Hahaha!

“Let’s be honest po. Siyempre sa ibang tao, ‘Ang weird naman, nagpalitan.’

“Aaminin ko, kung hindi nangyari, kung nauna ka lang kay ano... ok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay hamon ni Maja kay Zanjoe sa posibilidad na maging sila, “Gusto mo?”

Nangingiting balik-tanong ulit ni Zanjoe, “So hindi na puwede? Hypothetical question!”

Natatawang tinapik ni Maja sa mukha si Zanjoe.

Dagdag ng aktres, “Uhm, ramdam ko may spark. Pero may something na ang weird, e!”


Stories We Are Tracking

Did Maja just react to being tagged in CarGel breakup?
Did Maja just react to being tagged in CarGel breakup?
Maja on CarGel breakup in the past:
Maja on CarGel breakup in the past: "Hindi ako third party"
Zanjoe wants next girlfriend to accept his simple lifestyle
Zanjoe wants next girlfriend to accept his simple lifestyle
Rigodon de amor in Philippine showbiz
Rigodon de amor in Philippine showbiz


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN