Luis Manzano, Alex Gonzaga on dealing with bashers: "Sabihin mo sa akin nang harap-harapan."

IMAGE Rachelle Siazon

Alex Gonzaga admits she sometimes asks for Luis Manzano's advice whether or not she should reply to a certain basher.


Hindi nagpapatinag sina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa kahit anong pambabatikos na nararanasan nila sa social media.

Ilan lamang sila sa celebrities na malakas ang loob na sumagot sa kung anumang isyu ang ibinabato ng kani-kanilang bashers.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Luis at Alex sa presscon ng Shakey’s Salmon Pizza na ginanap sa Magallanes, Makati City, noong Martes, October 23.

STRAIGHTFORWARD STYLE

Paliwanag ni Luis, “Hanggang internet lang yang mga yan.

“Sabi ko nga, sa mga sinasabi ng mga tao na marami kaming bashers, kami ni Jessy, even up to now, wala pang lumalapit sa akin in person para sabihin kung anong sinasabi nila sa akin on social media.”

Noong nakaraang linggo lang ay hindi pinalampas ni Jessy ang isang netizen na nagsabing “nakakasawa na” ang umano’y pagbilad ng aktres ng katawan sa beach.

Meron ding isa pang netizen na pumuna sa umano’y pagiging “bantay-salakay” ni Luis, na nangunguna raw sa pag-comment sa posts ni Jessy.

Agad namang sinagot ni Jessy na may choice ang kanyang basher na mag-unfollow sa kanyang Instagram account, kung gugustuhin niya.

At lalong hindi naman daw isyu sa kanya na madalas mag-like at mag-comment si Luis sa kanyang posts dahil “sweet” pa nga raw ang ganoong gesture ng nobyo.


Stories We Are Tracking

Jessy slams netizens saying her bikini pics are
Jessy slams netizens saying her bikini pics are "nakakasawa"

Sa parte ni Luis, hindi raw niya uurungan sakaling kumprontahin siya nang personal ng isang basher.

Diin niya, “So pag dumating ang araw na basher kita, makita mo ako in person, sabihin mo sa akin nag harap-harapan.”

CONSTRUCTIVE CRITICISM?

Nang si Alex ang tanungin ng PEP.ph tungkol sa karanasan nito sa bashers, biglang humirit si Luis na siya raw ang may pakana ng pambabatikos sa dalaga sa social media.

“Bumuo ako ng group talaga na kami ang taga-comment sa kanya, taga-bash sa kanya para matauhan, para bumaba naman sa lupa!” nagbibirong saad ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Alex, “Naka-payroll!”

Biro ulit ni Luis patungkol sa YouTube subscribers ni Alex, “Kasi medyo lumalaki na, e. 1,500 lang naman yung mga yun.”

Pagkatapos ay seryosong sinabi ni Alex na aminado siyang may mga pagkakataong nakakabangga niya ang ilan niyang bashers na pumupuna sa kanyang YouTube entries.

Pag-amin niya, “Minsan nagtatanong ako kay Kuya Luis, ‘Sasagutin ko ba o hindi?’

“Sasabihin ni Kuya Luis, ‘Huwag na. Hayaan mo, mamamatay din yung issue na yan. Para di mo na lang din iisipin.'”

Kung minsan ay pinag-iisipan din daw ni Alex kung talagang valid ang punto ng isang basher at “baka may mali ka talagang nagawa.”  

Patuloy ng dalaga, “Pero sometimes kasi kailangan mo rin i-weigh kung talaga bang constructive yung sinasabi nila or may halong hatred or bashing.

“Pero actually, every now and then when there are bashers or when there are criticisms, you will always have room para mag-improve ka naman.”

Sa huli, humirit si Luis na tila iba ang ihip ng hangin sa kakaibang maturity ni Alex hinggil sa bashers.

Ani Luis kay Alex, “Mukhang na-brief ka ni Tita Pinty, ha!”


Stories We Are Tracking

Alex teases Luis about past love:
Alex teases Luis about past love: "Binasted siya ng ate ko!"
Alex, Luis support loved ones running in 2019 elections
Alex, Luis support loved ones running in 2019 elections
Netizen calls out Alex Gonzaga for drug addict joke
Netizen calls out Alex Gonzaga for drug addict joke
Luis blocks off male netizen admiring Jessy sexy photo
Luis blocks off male netizen admiring Jessy sexy photo

Si Pinty Gonzaga ang ina ni Alex.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN