Regine Velasquez posts photos showing she looks like Vice Ganda: "Iisang tao lang kami."

IMAGE CTTO via @reginevalcasid Instagram

Regine Velasquez declares she looks like Vice Ganda in photos: "OMG nabuking nyo na kami ni @praybeytbenjamin na iisaang tao lang kami."


Pinatawa nang husto ni Regine Velasquez ang kanyang Instagram followers nang ibahagi niya ang photo collage kunsaan pinatunayan niyang "iisang tao" lang sila ni Vice Ganda.

Base sa side-by-side photos nila mula kabataan nila hanggang sa sumikat sila sa mundo ng showbiz, idineklara ni Regine na tila magkamukha nga sila ni Vice.

Kapansin-pansin dito ang pagkakahawig ng hugis ng kanilang mukha, kilay, hairstyle, at pati na rin ang kanilang makeup.

Nagbibirong saad ni Regine sa kanyang caption, "OMG nabuking nyo na kami ni @praybeytbenjamin na iisaang tao lang kami [laughing with tears emoji]"

Pati si Lea Salonga ay sinakyan ang biro ni Regine.

Ani Lea, "And now the secret is out!!!"

Ilan pa sa mga natawa sa pakuwela ni Regine ay sina Jerald Napoles, Kakai Bautista, Donna Cruz, Lovely Abella, at Jed Madela.

Bunsod nito ay nakakaaliw din ang comments ng netizens.

Ang Sunday late-night variety comedy show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice ang isa sa mga unang ABS-CBN shows kunsaan may guest appearance ang bagong Kapamilyang si Regine.

Bukod dito ay bukas sa pagsasabi si Vice na iniidolo niya si Regine noon pa man.

Noong Pebrero lang ay laking-pasasalamat ni Vice kay Regine dahil ang mapanood daw ang Asia's Songbird sa concert ang isa sa mga nagpagaling sa comedian-host nang sumailalim siya sa surgery upang tanggalin ang kanyang kidney stones.

Si Regine rin ang nilapitan ni Vice nang kinailangan niya ng mahihingan ng payo noong dumanas siya ng depression bandang April o May.


Stories We Are Tracking

Sarah, Vice, Judy Ann welcome Regine to ABS-CBN
Sarah, Vice, Judy Ann welcome Regine to ABS-CBN
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Vice Ganda on Regine:
Vice Ganda on Regine: "The Lord uses her to heal me."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN