Regine Velasquez strikes back at online bashers; inquires about cyber crime

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez has had enough of bashers: "Hindi porke't hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko."


Napuno na ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa pambabatikos at pang-aalipusta sa kanya ng bashers pagkatapos niyang lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Nitong Linggo ng madaling-araw, October 28, ay hindi na napigilan ni Regine na sagutin ang isang basher na nagpakawala ng masasakit na salita laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng Instagram, ni-repost ni Regine ang mga mensahe ng isang netizen na may handle name na "@cheskaazurin."

Base sa mensahe ng netizen, sagot niya ito sa mga nagtatanggol kay Regine sa social media pagkatapos niyang i-bash ang singer-actress:

Sa caption ay may paalala si Regine sa basher: "My dear magingat ka sa mga sinasabi mo."

View this post on Instagram

My dear magingat ka sa mga sinasabi mo.

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Ipinagpatuloy ni Regine ang paglalabas ng saloobin sa kanyang Twitter account.

Dito ay kapansin-pansin na galit na ang singer-actress sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Aniya, "Again WORDS ARE VERY POWERFUL. hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo [ang] iniwan ko!!!!!!""

Kasunod nito ay tinanong ni Regine ang kanyang followers tungkol sa cyber crime.

Kapansin-pansin din ang paggamit niya ng hashtag na #NoToCyberbullying."

NOT THE SAME NETIZEN?

Isang follower ni Regine ang nag-retweet ng mensahe ng netizen na may handle name na "@Chescazurin."

Nilinaw ng netizen na hindi siya ang "@cheskaazurin" na nag-post ng mga mensahe laban sa Asia's Songbird.

Nagulat daw siya nang makatanggap ng maraming mensahe na inakalang siya ang basher ni Regine.

Pinatotohanan naman ito ng ibang followers ni Regine:

Tila nakumbinsi naman si Regine at finollow niya ang account ni @chescaazurin.

Kung susuriin, may pagkakaiba nga sa handle names ng basher na si "cheskaazurin" at ng netizen na si "chescazurin."

Sa huli, tila humupa na rin ang galit ni Regine at ipinaliwanag ang kanyang nararamdaman.

Sabi niya, "I’m a bit emotional today but I think I have a point. Why do we let these people hurt us??? That’s my question."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong October 17, 2018 ay pumirma ng exclusive contract si Regine sa ABS-CBN pagkatapos ng 20 taong pananatili sa GMA-7.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez says she left GMA-7 on good terms
Regine Velasquez says she left GMA-7 on good terms
Cacai Velasquez-Mitra reveals factors why Regine left GMA-7
Cacai Velasquez-Mitra reveals factors why Regine left GMA-7


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN