Rhian Ramos denies holding hands with Jolo Revilla at Tres screening

IMAGE @whianwamos on Instagram

Rhian Ramos denies holding hands with Jolo Revilla at Tres screening: "There was nothing romantic about it. Wala namang holding hands!"


Ayon kay Rhian Ramos, hindi raw totoong nag-holding hands sila ni Jolo Revilla sa isang special screening ng pelikula nilang Tres.

May nakapagsabi kasi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita raw sina Rhian at Jolo na nagho-holding hands sa special screening ng kanilang pelikula noong October 8 sa Santolan Town Plaza.

Noong Biyernes, October 26, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Rhian pagkatapos ng PEP Live session niya kasama si JM De Guzman sa Summit Media office.

Dito ay natanong siya tungkol sa diumano'y pagho-holding hands nila ni Jolo.

Sabi ni Rhian, "That's interesting, we never held hands.

"We never held hands and we were with a very large group of people—yung mga guests niya that went to the mall, our director, our staff, and our marketing team.

"So yeah, there was nothing romantic about it. Wala namang holding hands!"

Ilang beses na ring nali-link si Rhian at Jolo sa isa't isa, matapos ang naging hiwalayan nila sa kani-kanilang mga partners.

Noong July 2018 kinumpirma ni Rhian na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy, matapos ang kanilang tatlong taong relasyon.

July 2018 din pumutok ang balitang hiwalay na si Jolo sa girlfriend nitong si Jodi Sta. Maria.

Ano ang reaksyon ni Rhian sa paulit-ulit na pag-uugnay sa kanila ni Jolo?

Sagot niya, "Carry lang. I mean, siguro dahil parang yung... di ba, we both had break-ups like a month or two months or something like that apart?

"So, parang people are gonna try to say na it had something to do with each other, but wala naman."

Diretsahan din namang sinasagot ng dalawa na walang katotohanan ang pagli-link sa kanila.

Lahad niya, "Yeah. I mean, wala. I’m just telling the truth, wala naman talaga.

"It doesn’t naman bother me, it’s nothing personal, it’s just I’m in showbiz!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT YET DATING

Aminado din si Rhian na hindi pa siya handang makipag-date muli sa ngayon.

Paliwanag niya, "You know what, it’s a really awkward time for me—although I have gone out to a couple of dates, and then I realized that it’s really an awkward time for me to get to know anyone new at this point, because I’m not gonna stick around to see it through naman, so why waste anyone’s time?"

Sa susunod na buwan ay nakatakdang umalis si Rhian papuntang United States para mag-aral.

Bukas ba siya sa posibilidad na makakilala ng manliligaw o bagong karelasyon sa New York?

Diretso niyang sagot, "Ay, sana hindi din, because parang kasi din if I'm there and I meet someone, like the longest relationshop we’re gonna have is six months.

"Breaking up is so hard that I would rather just not get to that point."

Sa pagdating niya sa New York, ang gusto lang daw niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang sarili.

"I’ve never lived alone before so I’m gonna just try to be an independent, responsible, young adult, parang ganon, that’s all I want," diin niya.


Stories We Are Tracking

Jolo, Rhian answer
Jolo, Rhian answer "real score" question about them
Is Rhian Ramos open to dating again after recent breakup?
Is Rhian Ramos open to dating again after recent breakup?
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo
Rhian Ramos plans to take short break from showbiz
Rhian Ramos plans to take short break from showbiz


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN