Vice Ganda pays tribute to Regine Velasquez: "Hindi ko siya idol. She's my hero."

IMAGE @reginevalcasid / @teamviceph on Instagram

Vice Ganda (left) and Regine Velasquez (right) heap praise on each other during the latter's Gandang Gabi Vice guest appearance yesterday, October 28.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest ang bagong Kapamilyang si Regine Velasquez sa talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) na umere kagabi, October 28.

Sabi ni Vice sa episode, si Regine mismo ang nagdesisyon na sa GGV siya unang magpapa-interview sa isang ABS-CBN show.

Ayon kay Regine, gusto niyang kunin ang oportunidad na ito upang masabi kay Vice kung gaano siya ka-proud sa narating ng actor-comedian.

Sabi niya kay Vice, "Kasi nakita kita noong bata ka pa and how you started, feeling ko kasali ako doon.

"Although hindi naman talaga ako kasali, pero I just feel so proud of you.

"I’m so so proud of you in what you have achieved and every time, kapag nanonuod ako ng Showtime, you help people and you plant a seed even—the things that you say to the contestants, minsan lokohan pero minsan meron kang time na binabawi mo, nagiging serious ka.

"And I'm proud, kaya gusto ko maunang mag-guest talaga dito, dahil gusto kong sabihin sa 'yo that I am very very proud of you."

Ibinalik naman ni Vice ang mga magagandang salita ni Regine at ikinuwento niya kung gaano kalaki ang naging impluwensiya ni Regine sa kanyang career.

Saad ni Vice, "At talagang bahagi ka nito, malaki kang bahagi.

"When I had the chance to talk to Ogie Alcasid, your husband, tinanong niya ako, 'Alam mo, damang-dama ko, mahal na mahal mo asawa ko. Bakit mo siya idol?'

"Sabi ko, 'Alam mo, saying that Regine is my idol is an understatement. Hindi ko siya idol. She’s my hero.'"

Gulat namang sagot ni Regine, "Talaga ba? Iiyak na naman ako, Vice!"

Paliwanag ni Vice, "Ang laki ng impluwensiya mo sa buhay ko, ang laki ng epekto mo sa buhay ko at nagsimula akong mag-perform nang dahil sa 'yo, nang dahil sa kanta mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsimula ako nahilig sa music nang dahil sa 'yo, natuto akong mag-ipon para bumili ako ng multiplex, ng CD mo."

Kasama pa raw ni Vice noon si Anton Diva, ang mas kilalang nag-i-impersonate kay Regine.

Sinariwa pa nila nang minsang mag-guest sina Vice at Anton sa isang birthday special ng 48-year-old singer/actress/TV host.

Sabi naman ni Regine, "Pero alam mo, parang not everybody knows that you used to that, na nagre-Regine po talaga si Vice, so ibig sabihin mataas talaga boses niya."

Tugon dito ni Vice, "Oo, kaya you’re my hero. Ang laki ng bahagi mo sa buhay ko.

"You gave me the confidence to sing, you gave me someone to emulate.

"You are someone who has been inspiring me ever since mula noon hanggang ngayon.

"Kaya mahal na mahal kita. Nasa puso kita.

"Mas mahal kita kaysa sa dyowa ko, promise.

"Sa amin ni Anton, I can speak for Anton. For sure, si Anton, mas mahal ka niya kaysa sa dyowa niya."

Sabi naman ni Regine, tuwang-tuwa siya sa tuwing ini-impersonate at iniidolo siya ng mga miyembro ng LGBT community.

"Alam mo, hindi ko lang laging nasasabi pero mahal na mahal ko rin kayo.

"Mahal na mahal ko yung mga tao na mula umpisa... hindi ko nga alam kung bakit gusto ako ng mga LGBT!

"Di ko rin sure, but I appreciate that you emulate me, you copy me, and I love it every time I see someone na kinokopya ako.

"Yung iba kasi parang dati naiinsulto sila. Ako, tawang-tawa talaga ako.

"Kaya pag ini-invite niyo ako... Remember, in-invite niyo ako noong first concert niyo sa Music Museum, I was there and I was just happy to support you."

Isa si Vice sa mga nagbigay ng magandang komento at nag-welcome kay Regine nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN noong October 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Vice na isa si Regine sa tumulong sa kanya nang nakaranas siya ng depresyon nitong taong ito.

Noong Sabado, October 27, ay pinatawa naman ni Regine ang followers niya sa Instagram nang mag-post siya ng collage ng mga litrato nila ni Vice kunsaan pinatunayan niyang "iisang tao" lang sila.


Stories We Are Tracking

Regine recalls watching Vice Ganda impersonate her in gigs
Regine recalls watching Vice Ganda impersonate her in gigs
Regine Velasquez claims she looks like Vice Ganda in photos
Regine Velasquez claims she looks like Vice Ganda in photos
Vice Ganda on Regine:
Vice Ganda on Regine: "The Lord uses her to heal me."
Vice Ganda recounts 'most painful' moment of his life
Vice Ganda recounts 'most painful' moment of his life


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN