Zeus Collins downplays alleged confrontation with Jay-R at ABS-CBN Ball

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Zeus Collins (left) on alleged confrontation with Jay-R (right, with fiancée Mica Javer): Zeus Collins: "Wala naman, parang nag-usap lang naman kami. Medyo misunderstanding lang."


Lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon pala ng kaunting gusot sa pagitan ng Hashtags member na si Zeus Collins at ng singer na si Jay-R sa after-party ng ABS-CBN Ball noong September 29.

Ayon sa lumabas na kuwento, ang pinagmulan nito ay nang hindi sinasadyang nasundot ni Zeus sa bandang likuran si Mica Javier, fiancée ni Jay R, sa isang dance number nila sa It’s Showtime.

Si Mica ay miyembro ng all-female group na GirlTrends, na kagaya ng Hashtags ay regular ding napapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

Sa kabila raw ng paghingi ng tawad ni Zeus kay Mica ay nakarating na diumano kay Jay-R ang insidente.

Hanggang sa nagkita sina Zeus at Jay-R sa ABS-CBN kung saan nagkaroon daw sila ng engkuwentro.

At sa kabila raw ng pagme-mediate ni Billy Crawford, malapit na kaibigan ni Jay-R at dating kasamahan ni Zeus sa It's Showtime, ay hindi pa rin daw nagkaayos ang dalawa at muntik nang nauwi sa suntukan ang kanilang paghaharap.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zeus sa presscon ng dance concert niyang The Dance Machine kamakailan, tinanong namin ang tungkol sa isyu diumano nila ni Jay-R. 

Sagot ng Hashtags leader, “Wala naman, parang nag-usap lang naman kami.

“Medyo misunderstanding lang.

“Okay na naman, okay na kami.”

Totoo bang muntik na silang magkasuntukan?

“Suntukan? Hindi naman, mga idol ang mga yun,” tanggi ni Zeus.

Tinanong din namin kung totoong hindi sinasadyang nasundot niya sa behind si Mica.

Ayon kay Zeus, “Hindi naman sinasadya yun, sa sayaw lang yun sa Showtime.

“Okay kami, magka-team pa nga kami ni Mica sa ‘Magpasikat.’”

Nagtaka ba siya kung paano kumalat ang balita?

“Hindi naman nagtaka, basta wala akong ginawang masama,” diin ng dancer-actor.

DANCE CONCERT

Sa kabilang banda, excited na si Zeus sa dance concert niya na gaganapin sa SM Skydome sa November 3, Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Masayang-masaya ako at excited.

“Lagi ko ngang sinasabi, dati pinapangarap ko lang ito bilang mananayaw na nagsimula sa dance contest, ‘tapos ngayon ako na ang papanoorin.

“Ako lang mag-isa sa dance concert ko kaya excited ako, masayang-masaya.

“Mayroon ding mga kanta, mayroon ding mga kuwento na siguradong maeengganyo at maantig ang mga puso ninyo.”

Patuloy ni Zeus, “Siyempre Dance Machine, mas marami yung dance.

“Yung mga hindi ko pa nasasayaw o pangarap kong sayawin, ngayon sa concert na ito, gagawin ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN