Is Kris Aquino's cryptic post about forgiveness for person she accused of theft?

IMAGE Dindo Balares Facebook

Kris Aquino on ongoing theft complaint versus unnamed person who she accused of betraying her: "I prefer not to say the amount involved only because there is still an accounting going on as we speak. I'm still praying na the assets that are in question, I really still pray na they have not totally disappeared."


Tila nagpahaging si Kris Aquino na pinapatawad na niya ang taong sinampahan niya ng qualified theft sa anim na lungsod ng Metro Manila.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 28, naglabas ng quote card si Kris na nagsasabing:

"TODAY I DECIDED TO FORGIVE YOU. NOT BECAUSE YOU APOLOGIZED, OR BECAUSE YOU ACKNOWLEDGED THE PAIN THAT YOU CAUSED ME, BUT BECAUSE MY SOUL DESERVES PEACE."

Dagdag ni Kris sa caption, "in my heart i know this is the 1st step of healing..." 

Hindi pinangalanan ni Kris kung para kanino ang kanyang post.

Pero hindi kaila sa publiko ang kinakaharap niyang problema dahil sa diumano'y "betrayal" at "financial abuse" ng taong pinagkatiwalaan niya sa loob ng "16 months."

Noong October 26, inamin ni Kris na sinubukan ng kanyang mga abugadong makipag-ayos sa taong nang-abuso sa kanya.

Walang nangyaring ayusan.

Ipinaliwanag ni Kris na may mga hiningi siyang dokumento mula sa kampo ng respondent na hindi raw nito ibinigay.

“We have tried to peacefully and amicably settle this,” saad ni Kris sa panayam sa kanya ng dating YES! managing editor na si Anna Pingol, base sa YouTube vlog ni Kris noong October 26.

Patuloy ni Kris, “In fact, on record, puwede kong sabihin na naki-meeting si Atty. Sig Fortun and two lawyers from the Divina Law Office with [lawyers] from their side."

Si Sigfrid Fortun ang abugadong unang nagsalita para kay Kris tungkol sa sinasabing financial abuse.

Pagpapatuloy ni Kris, “But yung certain documents that we have asked for were never given to us.

“Yung mga lawyers ko felt na hindi naman kami [ang] nag-agrabyado, pero kami pa yung pinahirapan.”

Ayon kay Kris, ang hiningi niyang mga papeles ay para sa pag-aari niyang food joints.

“Like, nakapangalan naman sa akin yung Nacho Bimby and Potato Corner.

“There are 12 branches of those, and I am the president of the company that holds those 12 branches.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that, again, nai-snub yung lawyers ko.

“Because, as president, hindi nabigay sa amin yung tamang papeles na hiningi namin—which is really weird because nasa SEC [Security Exchange Commission], ako yung presidente ng kumpanya.”

AMOUNT OF ALLEGED STOLEN MONEY

Nang tanungin kung umabot ng pito o sampung milyon ang perang nakuha mula kay Kris ng taong pinagkatiwaalan niya, tumanggi siyang magdetalye ukol dito.

“Well, obviously, it’s not 7 or 10,” sagot ng 47-year-old actress/host/influencer.

Dagdag niya, “I prefer not to say the amount involved only because there is still an accounting going on as we speak.

“I’m still praying na the assets that are in question, I really still pray na they have not totally disappeared.”

Hindi na nagdetalye pa si Kris dahil pinagbawalan daw siya ng kanyang lawyers na i-discuss ang merits ng reklamong qualified theft na isinampa niya laban sa hindi pinangalanang personalidad.

“I was told we do not want to be accused of making this a trial based on public opinion.

“Kasi, siyempre, puwedeng sabihin na na-influence yung prosecutors by public pressure or public opinion.

“So best na daw—para hindi mabutasan—na tumahimik na lang ako.

“Kasi nandun naman. I mean, the evidence itself is very clear.”

Sa hiwalay na impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba’t ibang sources, noong una’y back-and-forth daw ang negosasyon sa pagitan ni Kris at ng respondent na i-settle ang reklamong qualified theft.

Noong una, sinubukan daw ng kampo ng respondent na lumapit kay Kris upang makipag-ayos.

Hindi raw pumayag si Kris.

Ngunit matapos maisapubliko ni Kris ang kontrobersiya at wala ni anumang ingay ang narinig sa kabilang panig, natigilan din umano ang kampo ni Kris.

May nagbalita sa PEP.ph na nag-alala na raw si Kris na maaaring ang katahimikan ay nagbabadya ng kung anong "pasabog." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anuman ang tunay na nagtulak sa kampo ni Kris, nangyari ngang ang mga ito ang sumunod namang humingi ng settlement.

Wala ring nangyari rito.

Gusto raw ng respondent na idaan na lang sa legal na proseso ang money issue nila ni Kris.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad sa publiko ang respondent.

REPORTED HEALTH SCARE

Sa pagpapatuloy ng YouTube vlog ni Kris, sinagot niya ang feedback mula sa netizens na “mayaman” naman siya at kung tutuusin ay puwedeng palampasin ang diumano’y pagnanakaw ng pera sa kanya.

Ayon kay Kris, hindi lang pera ang nag-udyok sa kanyang idaan sa korte ang reklamo niya laban sa dating pinagkakatiwalaang tao.

Mas ikinatakot daw niya ang pagtaas ng kanyang blood pressure na umabot ng “190/110” sanhi ng pinagdaanang problema.

Nabanggit din ni Kris na ang initial diagnosis sa kanya ng duktor ay tulad ng sa sakit ng American singer na si Selena Gomez, na sumailalim sa kidney transplant dahil sa lupus noong 2017.

“Can I just clarifiy? It was my health that suffered…

“I would have not taken it to this level had it not been my health and had it not been my children who suffered.

“Nakita ko how my siblings worried.

"We’ve been through illness. Alam namin what it’s like. And I’m the youngest…”

Sa mga nakalipas na Instagram posts ni Kris, inihayag niyang may sakit siyang chronic spontaneous urticaria, base sa resulta ng medical tests niya sa Singapore.

Isa raw itong “auto-immune disease” na inakala niyang “allergic reactions” o “hives” na nararanasan niya mula pa noong 2013.  

Sinabi rin daw ng kanyang duktor na mas lumalala ito dulot ng matinding “stress,” na isa umano sa dahilan ng drastic weight loss niya kamakailan.

Patuloy ni Kris, “I could always earn the money back.

“And God has really been so good. There have been so many new offers coming our way, na definitely kung anuman ang nawala, in the next two years kikitain yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I cannot pay to extend my life.

“What I can do is to give my children the assurance na come what may, their future is secured.”

Kung anuman ang impact ng mga kuwentong ito ni Kris sa kanyang pinakabagong matalinhagang post ay hindi malinaw. Malamang makikita na lang natin sa magiging next legal move ni Kris.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities
Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities
Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris Aquino to
Kris Aquino to "use all legal means" vs man who betrayed her


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN