ABS-CBN star Liza Soberano "obsessed" with GMA-7 star Janine Gutierrez

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya star Liza Soberano says she wants to work with Kapuso star Janine Gutierrez.


Hindi naitago ng Kapuso star na si Janine Gutierrez, 29, ang saya nang sabihin ng Kapamilya star na si Liza Soberano, 20, na nais siyang makatrabaho nito.

Nitong October 27, Sabado, nagsagawa ng question-and-answer activity sa Twitter si Liza.

Isang netizen ang nagtanong sa ABS-CBN actress kung sinong Kapuso artist ang nais niyang makatrabaho.

Sagot ni Liza, “Im really open to working with anyone. One person im obsessed with is Janine Gutierrez.”

Nabasa ito ni Janine at nag-reply kay Liza.

Tila excited na sagot ng Kapuso actress: “Nooo, I'M obsessed!!! It'd be the dream to work with you [heart emoji].”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinuri ni Liza si Janine.

Noong August 2017, isang hairstylist ang nag-post ng larawan ni Janine at sa comments section, nag-react si Liza at tinawag na “beautiful” ang Victor Magtanggol actress.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN