Priscilla Meirelles reacts to babaero image of husband John Estrada

IMAGE Allan Sancon

Priscilla Meirelles on babaero image of husband John Estrada: "Mahirap talaga pag mag-asawa ka ng guwapo, di ba? I'm not a hypocrite… I don't know, he's been telling me he's been behaving for years. I tell him, 'Good for you, busy ako masyado para pansinin kita.'"


Aware ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles na hindi pa rin nawawala ang imaheng babaero ng kanyang mister na si John Estrada.

Pero para kay Priscilla, anumang nagawang pagkakamali ng asawa ay bahagi na lang ng nakaraan nito.

Pahayag ng Miss Earth 2004, “Hindi ako affected kasi alam ko yung totoo, alam ko ang asawa ko.

“Hurt siya kasi, sabi niya, mayroon siyang tatlong anak na babae, mayroon siyang nanay, kapatid na babae, of course isa pang baby, batang girl sa bahay, and of course ako na asawa niya.

“Masama ang pakiramdam niya sa issue na iyan. Medyo bothered siya.

“[Sabi ni John] ‘Lahat gusto nilang sabihin na babaero ako, pati ito? You know, yung iba, oo siguro, nangyari talaga in the past.’

“Sabi ko, ‘Talaga? In the past? Hahaha!’

“Sabi ko, hindi rin yun maganda. Basta ako, I don't care kasi totoo naman talaga yun. Hahaha!”

Sabi pa ni Priscilla, na kapansin-pansin ang pagiging matatas sa Tagalog, “Mahirap talaga pag mag-asawa ka ng guwapo, di ba?

“I'm not a hypocrite… I don't know, he's been telling me he's been behaving for years.

“I tell him, ‘Good for you, busy ako masyado para pansinin kita.’

“You know, we have this relationship, like, he sometimes like to say, ‘Grabe ka, ha. That's why I love you. You are so funny.’

“I say the right things, the truth, but we still get to laugh about it ‘coz, at the end of the day, nobody's perfect.

“No relationship is perfect, there is no perfect marriage.

“What I can hope for is what I have found, I go to my heart.

“I am Christian, I love my family, I love my daughter, I love my husband.

“I try to do some good, and I'm very blessed.”

Patuloy ng former beauty queen, “I think, through the years, he also noticed that na kung mayroon siyang ginagawa na masama, it's not fair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sinasabi ko sa kanya, ‘Kung may ginawa kang di maganda, bahala si Lord sa iyo. You're not my problem, you're God's problem.’”

“But you know, at the end of the day, some people, they take advantage of situations and we also have to keep in mind that the word gets around.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Priscilla sa grand launching ng Rising Era Dynasty, na ginanap sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom, Linggo ng gabi, October 28.

ISSUE WITH A REPORTER

Inusisa rin namin si Priscilla tungkol sa pagbabanta noon ni John na magsasampa ng reklamo laban sa isang entertainment reporter na nagsulat ng alitan diumano ng aktor at ni Mylene Dizon.

Nagkasama sina John at Mylene sa dating ABS-CBN primetime series na The Good Son.

Sa artikulong isinulat ng reporter, tinotoo diumano ni John ang mga eksenang sinasaktan nito si Mylene.

Mariin itong pinabulaanan ng aktor.

Ayon kay Priscilla, naiintindihan at suportado niya ang naramdaman at desisyon ng asawa tungkol sa isyung ito.

Saad niya, “It came to the point where sumobra na, e, hindi na maganda just to come out with things, to talk to, to make news.

“Another thing is to come out with things that actually damage the character ng isang tao.

“But you know, at the end of the day, some people take advantage of the situation and we have to keep in mind that word gets around.”

Patuloy ni Priscilla, "It's a very delicate issue, talking about someone like that, even kung totoo iyan, ha.

“Kasi hindi naman totoo talaga, dapat mayroon kang proof kasi major issue iyan.

“Puwede ka nang kasuhan ng isang tao, puwede ka nang makasira ng reputasyon ng isang tao.

“It's just we're blessed that John, the way I see it, has nothing to prove.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He's been in the industry for, wow, 30 years or more, I don't think any issue of that kind or nature ever came up about him.

“At the end of the day, poor guy, ‘no," sabi ni Priscilla tungkol sa reporter.

“But still he's a reporter, he should be responsible on what he puts in any kind of media press.

“People, what they read, imagine in Facebook, they believe, even there's so many fake news.

“Be responsible, let's write the truth, let's make sure that we research, like, to have credible sources before coming out with any kind of issue or intriga just to sell newspaper."

Natuloy ba ang pagsasampa ng kaso ni John laban sa reporter, kahit na humingi na ito ng public apology?

Ayon kay Priscilla, “Kinausap ni John yung lawyer niya ‘tapos finollow-up ko sa kanya, ‘O, na-file mo na? Napadalhan mo na ng letter?’

“Nag-apologize yung reporter so after that hindi ko na alam ang nangyari.

"Honestly, I told him, ‘Sayang ang oras mo diyan. Pero it's good that you did something that everybody would be aware that's it is not right to write about anyone.’

“Kahit kami, may kausap kami about sa neighbor, chika-chika, tsismis-tsimis. I know it’s in the culture of Brazilians, of Filipinos.

“Okay lang kung tisimis na hindi masasaktan ang ibang tao, okay lang kung tsismis na hindi masira ang isang family, okay kung tsismisan na patawa lang.

“Huwag yung tsismis to really sira yung career ng isang tao, yung reputation, hindi maganda yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN