Regine Velasquez posts open letter to bashers amid ratings war

IMAGE Noel Orsal

Asia's Songbird Regine Velasquez posts an open letter to her bashers after the ratings of the two Kapamilya shows she appeared on last Sunday, October 28, were released.


Isang "open letter" para sa kanyang bashers ang ipinost ni Regine Velasquez sa Instagram ngayong Lunes ng gabi, October 29.

Tila sagot ito ng Asia's Songbird sa netizens na nagpakawala na naman ng masasakit na salita pagkatapos lumabas ang balita tungkol sa ratings ng ASAP at Gandang Gabi Vice—ang dalawang unang programa ng ABS-CBN na nilabasan niya bilang Kapamilya—noong Linggo, October 28.

Base sa datos ng AGB Nielsen, naungusan ng mga programa ng GMA-7 na Sunday Pinasaya at Kapuso Mo, Jessica Soho / Sunday Night Box Office ang mga programa ng ABS-CBN kung saan nag-guest si Regine.

Sa kanyang "open letter" ay naglabas ng hinaing si Regine dahil sa hindi magagandang komento, na pati ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid at ang kanilang anak ay idinadamay pa ng bashers.

Lumipat si Regine sa bakuran ng ABS-CBN nitong Oktubre pagkatapos ng 20 taong pananatili sa Kapuso network.

Narito ang kabuuan ng mensahe ng Asia's Songbird:

"Dear bashers, I’m truly happy for GMA Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy.

"But just a suggestion total sinasabi nyong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan nyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty (apparently 20 years can not be considered being loyal) na muka akong pera. Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son.

"Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao.

"Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and i have great memories being a kapuso.

"Tutal naman po nayurakan nyo na ng bonggang bongga ang pakatao ko na parang bang may nagawa akong masama sa inyo personally.

"You guys obviously HATE me gets ko na po. Gets ko rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS tanggap ko na po yun at wala naman pong pilitan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Free TV po ito walang bayad we are all here to provide you entertainment FOR FREE!!!! So sa madaling salita kayo ang panalo dito.

"nagmamahal kapamilya Regine"

View this post on Instagram

Dear bashers,I’m truly happy for GMA Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy. But just a suggestion total sinasabi nyong lahat na hindi ako kailang ng GMA, sinabihan nyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty ( apparently 20 years can not be considered being loyal )na muka akong pera.Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son. Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao. Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and i have great memories being a kapuso. Tulal naman po nayurakan nyo na ng bonggang bongga ang pakatao ko na parang bang may nagawa akong masama sa inyo personally. You guys obviously HATE me gets ko na po. Gets ko rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS tanggap ko na po yun at wala naman pong pilitan ito. Free TV po ito walang bayad we are all here to provide you entertainment FOR FREE!!!!😊 So sa madaling salita kayo ang panalo dito. ✌🏼✌🏼✌🏼 nag mamahal kapamilya Regine 😊

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Sa comments section ay nag-iwan ng mensahe ng suporta ang mister ni Regine na si Ogie at ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Bago ito ay binalikan din ni Regine ang isang netizen na nag-post ng mga negatibong komento laban sa kanya.

Nagtanong din siya tungkol sa cyber crime dahil sa cyber bullying na nararanasan niya.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez strikes back at online bashers
Regine Velasquez strikes back at online bashers
ASAP episode of Regine vs Sunday Pinasaya in AGB ratings
ASAP episode of Regine vs Sunday Pinasaya in AGB ratings


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN