Lea Salonga: Regine Velasquez owes no one an explanation about big switch to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Lea Salonga tweets encouraging words to Regine Velasquez amidst the frantic bashing the Asia's Songbird is getting from netizens on social media.


Sa isang Twitter post, nagpahayag si Lea Salonga ng pagsuporta kay Regine Velasquez sa gitna ng pamba-bash na natatamo ng huli.

Simula nang maging opisyal na Kapamilya ang Asia’s Songbird noong October 17, 2018, matapos ang dalawang dekadang pagiging Kapuso, naging tampulan na ng pambabatikos ng bashers sa social media ang 48-anyos na singer-actress.

Ang pinakahuli nga ay ang pagre-react ng mga kritiko ni Regine dahil batay sa ratings ng AGB Nielsen, naungusan ng Kapuso shows ang dalawang ABS-CBN programs kung saan lumabas si Regine nitong Linggo, October 28.

Naglabas naman ng open letter si Regine via Twitter bilang reaksiyon upang sabihin sa kanyang bashers na masaya siya para sa dating home network sa ratings na nakuha nito.


Stories We Are Tracking

Regine posts open letter to bashers amid ratings war
Regine posts open letter to bashers amid ratings war
Ogie, other celebs support Regine amid frantic bashing
Ogie, other celebs support Regine amid frantic bashing
Regine Velasquez strikes back at online bashers
Regine Velasquez strikes back at online bashers
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN

LEA DEFENDS

Sa gitna ng pambabatikos kay Regine, isa si Lea sa mga artistang naging vocal sa pagkampi sa bagong Kapamilya star.

Nag-tweet ang 47-anyos na Broadway Diva ngayong Martes ng umaga, October 30.

Paalala ni Lea kay Regine, hindi niya kawalan kung may mga ayaw sa kanya.

“As a fan and a friend (and this was told to me by a fan to remind me of something I sometimes forget), tandaan mo: mas maraming nasa likod mo na sumusuporta sa iyo.

"Yung mga ayaw sa iyo, hindi mo kawalan.

"Ang mga tunay na nagmamahal ay laging magmamahal sa iyo."

Dugtong pa ni Lea, wala raw responsibilidad si Regine na magpaliwanag sa ginawa niyang paglipat.

“You are one of the most sincere and real people in an industry that places importance on perception.

"I’ve known you long enough to know who you are.

"You owe no one any explanations for the move to ABS.

"Ang mga bashers, hindi nila alam ang totoong pagkatao mo."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN