Regine Velasquez defends Marian Rivera against negative comments on viral video

IMAGE Noel Orsal

Asia's Songbird Regine Velasquez (right) asks netizens to stop making fun of Marian Rivera (left), whose past singing performance goes viral again.


Ipinagtanggol ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez si Marian Rivera kaugnay ng kumakalat na memes at video clips ng Kapuso Primetime Queen.

Mapapanood sa nasabing video na kinakanta ni Marian ang “Unfaithful,” isa sa hit songs ng international pop singer na si Rihanna.

Kinanta ito ni Marian sa isang episode ng Party Pilipinas, ang dating Sunday musical-variety show ng GMA Network, noong 2013.

Kamakailan, muling naging viral ang video na ito ni Marian sa social media.

Isang fan ni Regine ang nag-retweet ng tila meme ni Marian nitong Linggo, October 28. 

Pabiro pang caption ng fan sa meme ni Marian, "Asia's Quail."

Kinontra naman ito ni Regine.

Nakiusap ang bagong Kapamilya singer-actress na itigil na ang paggawa ng katatawanan sa old video ni Marian.

Tweet ng Asia’s Songbird, “Please guys wag na, inaanak ko yun please at love ko sila so please stop na. Besides Hindi naman talaga singer ang lola nyo she’s an actress and very good one so please stop na.”

Isa si Regine sa mga ninang sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes noong December 2014.

Nag-sorry naman ang fan ni Regine at sinabi nitong natuwa lang siya, pero hindi raw siya basher ng Kapuso actress.

Sagot ni Regine, “Ok but please no more na kasi hindi natin alam baka naman na hurt na rin sya diba please napag katuwaan na naman ok na yun.”

Ginawa ni Regine ang pagtatanggol kay Marian habang siya mismo ay tumatanggap ng pamba-bash mula nang lumipat siya sa ABS-CBN mula sa GMA-7.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN