Cesar Montano video greeting for a kagawad goes viral

IMAGE Screen grab from Facebook

Cesar Montano's video greeting for a kagawad goes viral because of the distracting sight in the background.


Trending ngayon sa social media ang isang video greeting ng aktor na si Cesar Montano.

Ngayong araw, Oktubre 30, ay na-upload sa Facebook ang 15-second video greeting ni Cesar para sa isang kagawad sa Sta. Ana, Manila.

Hindi ang pagbati ni Cesar ang nakapukaw sa atensiyon ng netizens na nakapanood ng video kundi ang tila nakahubad na babae sa likuran.

Sandali lang nakita ang babae, na makikitang kumuha ng tuwalya, dahil naka-focus ang cell phone camera kay Cesar.

Hindi rin maaaninag ang mukha ng babae.

Ang video ay in-upload ng Facebook user na si "Rolando Olano" at nakakuha ito ng halos 1 million views; mahigit 11,000 comments; at higit 36,216 shares.

At press time ay burado na ang video sa FB account ni "Rolando Olano," ngunit na-repost na ito ng ibang netizens.

Marami rin ang naka-screen grab ng images mula sa video.

Screen grab from Facebook


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN