Angelica Panganiban, Carlo Aquino fake kissing in Japan?

IMAGE @pocholobarretto /@iamangelicap Instagram

Hindi magkamayaw ang netizens sa panghuhula na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang mga nakamaskarang naghahalikan sa video ng aktres na kuha sa Japan kahapon, October 31.


Kinakiligan nang husto ng netizens nang malamang magkasama sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino (CarGel) na nagbakasyon ngayong Halloween sa Tokyo, Japan.

Kahapon, October 31, ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account ang video kung saan makikitang naghahalikan ang isang babae at lalaki na parehong nakasuot ng maskara.

Ang tanging caption ni Angelica, "Happy Halloween."

 IMAGE @iamangelicap Instagram

Hindi man tuwirang sinabi ng aktres kung sino ang nasa video, mismong CarGel fans ang naghanap ng ebidensiya na sina Angelica at Carlo ang mga ito.

Kasama rin kasi ng dalawa sa Japan ang iba pa nilang kaibigan na taga-showbiz tulad nina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, Pocholo Barretto, Ryza Cenon, at Direk Andoy Ranay.

Kabilang din sa grupo ang dating aktres na si Sarah Christophers, kaibigan at kasama nina Angelica at Carlo sa dating youth-oriented show na Berks.

Base sa Instagram Story ni Pocholo, makikitang nakasuot ng diamond earrings si Angelica at may hawak namang itim na sombrero si Carlo.

Ito umano ang sinasabing ebidensiya ng netizens dahil makikitang suot ito ng dalawang taong nakamaskara sa fake-kissing video ni Angelica.

 IMAGE @pocholobarretto Instagram Story

Ang partner naman ni Direk Andoy na si Noel ay nagbahagi ng Instagram Story kung saan makikitang magkatabing nakaupo sa kalsada sina Angelica at Carlo.

Buong grupo silang nakasuot ng maskara at red overalls para sa kanilang Halloween costume.

 IMAGE @glaizaredux Instagram

Hango ito sa Netflix series na La Casa de Papel o Money Heist, kung saan nakasuot ng maskara ang grupo ng bank robbers.

Samantala, nauna nang nabanggit ni Angelica na plano niyang ipagdiwang ang kanyang birthday sa November 4 sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa ibang bansa.

Kasabay nito ang pagkumpirma ni Angelica na masaya siya sa estado ng kanyang buhay.

"Eto na happiest season na ng buhay ko, paparating na, so abangan," pahayag ni Angelica sa blogcon ng Playhouse noong October 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Angelica sa gusto niyang gawin sa kanyang birthday, "Wala, kakain lang. 'Tapos siyempre knowing me, iinom ako. Hahaha!

"Unahan ko na kayo, lasing ako nun ha!"

Parehong single sina Carlo at Angelica sa ngayon.

Pero umaasa ang kanilang mga masugid na tagasuporta na magkabalikan ulit ang dalawa.

Anim na taong naging magkarelasyon sina Angelica at Carlo, pero nauwi ito sa hiwalayan dahil sa isyung third party noong teenagers pa lang sila.

Ang katatapos lamang nilang pelikula na Exes Baggage ay box-office hit, matapos itong kumita ng mahigit PHP206 million sa loob ng sampung araw, ayon sa ABS-CBN Films subsidiary na Black Sheep.


Stories We Are Tracking

Angelica posts sweet message for Carlo:
Angelica posts sweet message for Carlo: "Mahal kita."
Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja
Angelica reveals Carlo broke up with her because of Maja
Bela reacts to alleged love triangle with Carlo, Angelica
Bela reacts to alleged love triangle with Carlo, Angelica


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN