Bela Padilla clarifies she's not the woman in Cesar Montano's viral video

IMAGE Noel Orsa

Ikinagulat ni Bela Padilla ang komento ng isang netizen na nagsasabing "kahawig" niya ang hindi kilalang babaeng naaninag sa viral video greeting ni Cesar Montano.


Hindi maiwasang sagutin ni Bela Padilla ang isang netizen na nagsabing “kahawig” niya ang babaeng namataan sa viral video greeting ni Cesar Montano para sa isang kagawad.

Nag-iwan ng comment ang netizen sa Instagram post ni Bela kung saan nakasuot ang aktres ng two-piece bikini.

Nakatalikod si Bela sa litrato habang tanaw ang beach sa Maldives.

View this post on Instagram

My feed will be quite blue in the next few days ????????

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

Sabi ng netizen: “@bela kahawig to sa babae sa video greetings ni @cesar_montano”

Paglilinaw agad ni Bela, “@don_t4getme ?? Hindi po ako yun.”

Isa pang netizen ang nagkomento na posibleng binibiro lang si Bela ng naunang netizen, dahil sa pagkakahawig ng height ng aktres sa babaeng tila nakahubad sa viral video ni Cesar.

Hindi kasi maaninag ang mukha ng babae sa video ni Cesar dahil sa layo ng puwesto nito.

Sabi ng netizen na may handle na @tamtam.1701, "natawa me.. sikat na sikat kasi now un matangkad din ata sa malayo, of course bela never naming pagbbintangang ikaw yun, maybe he was just joking."

Tanging sagot ni Bela, “@tamtam.1701 what?”

Malinaw sa sagot ni Bela na gulat siya sa pagkakasangkot niya sa isyu dahil wala siyang kinalaman dito.

October 30 nang kumalat sa social media ang video greeting ni Cesar para sa isang kagawad.

Maraming netizens ang idinaan sa katatawanan ang hindi sinasadyang pagkahagip sa camera ni Cesar ang hindi kilalang babaeng nagbibihis sa bandang likuran ng aktor.

At press time, walang inisyu si Cesar na opisyal na pahayag tungkol sa kumalat niyang video.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano video greeting goes viral
Cesar Montano video greeting goes viral
Solenn, Billy react to parody of Cesar Montano viral video
Solenn, Billy react to parody of Cesar Montano viral video


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN