Paolo Contis excited to be a dad again

IMAGE Courtesy: @paolocontis on Instagram

Paolo Contis (right) is looking forward to be a dad to his baby with girlfriend LJ Reyes (left): "Masaya, kasi ang daming naka-suporta. Ang daming well-wishers, ang daming nag-aalaga sa amin. Ang daming excited for us."


Labindalawang araw ding hindi nakasama ni Paolo Contis ang girlfriend niyang si LJ Reyes na buntis ngayon sa kanilang magiging baby.

Nagpunta kasi si Paolo sa Iceland para mag-shooting ng pelikulang Through Night and Day ng Viva Films at Octo Arts Film.

Ayon kay Paolo, “It’s very tiring, it’s also the first time na matagal akong nawala sa Philippines and I had to leave LJ who’s pregnant so it’s very hard.

“Medyo mabigat, pero siyempre understandable. Work yan, e.

“It’s a good opportunity.”

Orihinal na plano raw sana nila na kasama si LJ sa Iceland.

Lahad niya, “Noong una nga, pinaplano pa namin na magkakasama kami.

“Kaya lang, siyempre habang tumatagal hindi na siya puwedeng umalis. May school din si Aki.

“So I made it a point na every time we have free time, I talk to them.

“Very supportive naman yung team.

“Alam nila na kapag nasa telepono ako, si LJ ang kausap ko and I had to check on them also.”

Kumusta ang experience na mag-shooting sa Iceland?

Aniya, “The experience in Iceland is very nice. Beautiful places...

“Hindi pambata, and actually, okay na rin na hindi ko naisama sina Aki, kasi mahirap ang traveling.”

Nainggit ba si LJ na hindi siya nakasama?

Saad niya, “Siyempre kasama na yun, but I was there to work.

“Sabi ko, hindi mo rin mae-enjoy.

“May time na matatapos kami nang alas-kuwatro ng umaga pero kailangan naming mag-shoot ng alas-singko kasi hahabulin namin yung sunrise.

“It’s also not good for her.

“Sabi ko nga, one day, we’ll come back and yung totoong bakasyon.”

Pero kung sakali mang babalik siya kasama si LJ at mga anak nila, mas maganda raw siguro kapag medyo malaki-laki na si Aki at ang bagong baby nila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng pelikulang Through Night and Day sa Le Reve Pool and Events Place noong October 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCITED TO BE A DAD AGAIN

Malapit na ngang maging tatay muli ni Paolo.

May dalawang babaeng anak na siya sa unang asawa niyang si Lian Paz.

Si LJ naman ay may anak kay Paulo Avelino, si Aki.

Pero ngayon, magkakaroon na sila ng anak nila mismo.

Anong pakiramdam na magiging tatay muli?

“Eto na, malapit na... January.

“Sabi ko nga, sobrang blessing lahat ng nangyayari sa amin.

“Ngayon ako busy but hopefully, January I’ll have time to rest and I can take care of them.

“Masaya, kasi ang daming nakasuporta.

“Ang daming well-wishers, ang daming nag-aalaga sa amin. Ang daming excited for us.”

Ipinanganak ni LJ si Aki sa America noong July 2010 kasama ang kanyang ina at kapatid.

Ngayon daw ay sa Pilipinas ito manganganak.

Ayon kay Paolo, “Mas maaalagaan ko siya dito kesa doon.

“Of course, hindi ko naman masasabi, if I have work, I have to work.

“Siyempre, magkakaroon ng kung sa America kasi siya manganganak, matagal siyang mawawala.

“Hindi naman ako puwedeng palipat-lipat.

“May Aki rin siyang inaalagaan. So sabi ko, kaya ko na ‘yan.”


ANNULMENT CASES

Sa ngayon, ayaw na munang pag-usapan ni Paolo ang tungkol sa kasal dahil kasalukuyan pa rin inaayos ang annulment nila ni Lian.

Pahayag niya, “Lahat yan magiging pag-uusap lang hangga’t hindi pa puwede, but then again, it’s moving better.

“Of course, I cannot go into details.

“But what’s good is that, the case is moving better.”

Pareho naman daw sila ni Lian na nagko-cooperate para sa annulment nila.

Dagdag niya, “Both parties are cooperating and naniniwala naman ako na pareho kami, gusto namin na maging maganda ang buhay namin with our partners, di ba?”

Masaya rin daw siya para kay Lian na matagal na ring nakahanap ng partner, ang Cebu-based basketball player at businessman na si John Cabahug.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang anak na rin sila.

Ayon kay Paolo, “Yes, I’m happy for her and I’m hoping na maging maayos lahat and maging legal lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN