Mikoy Morales flattered ex-girlfriend Thea Tolentino finds him incomparable

IMAGE Instagram

Mikoy Morales feels flattered that ex-GF Thea Tolentino compares him to all her suitors: "Siguro nami-miss lang niya yung mga pinapakita kong concern sa kanya parati na hindi niya nararamdaman sa mga nami-meet niya ngayon."


Flattered ang Kapuso actor-singer na si Mikoy Morales nang makarating sa kanya ang sinabi ng ex-girlfriend na si Thea Tolentino na parati siyang kinukumpara sa mga manliligaw nito.

Napangiti na lang si Mikoy at nagsalamat kay Thea dahil hindi niya alam na may ganung comparison ito sa suitors niya.

"Nakakagulat lang, kasi hindi ko alam na may ganun pala.

"Kami naman ni Thea, nandoon pa rin naman ang ang concern namin sa isa't isa kahit hindi na kami.

"Siguro nami-miss lang niya yung mga ipinapakita kong concern sa kanya parati na hindi niya nararamdaman sa mga nami-meet niya ngayon.

"May nagbiro nga sa akin na ano ba yung ginawa ko kay Thea at hindi ako malimutan.

"Natawa lang ako at sinabi ko, 'Hulaan niyo na lang!'" pahayag ni Mikoy nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng My Special Tatay sa FTI Tenement sa Taguig City.


Stories We Are Tracking

Why does Thea Tolentino compare her suitors to ex-BF Mikoy?
Why does Thea Tolentino compare her suitors to ex-BF Mikoy?

Wala naman daw nililigawan ngayon si Mikoy dahil mas nakatutok ito sa kanyang trabaho sa TV.

Mayroon siyang daily teleserye na My Special Tatay, weekly sitcom na Pepito Manaloto, at weekly gag show na Bubble Gang.

Saad niya, "To be fair, wala rin akong mahanap na tulad ni Thea.

"Apat na taon din kaming may relasyon at hindi mo basta-basta maiaalis yun sa buhay mo.

"Siguro nga, ang mga susunod na makakarelasyon ko ay hindi ko rin maiiwasang makumpara kay Thea.

"Kaya trabaho muna tayo for now."

REALISTIC PORTRAYAL

Natuwa raw si Mikoy nang tawagan siya para mapasama sa cast ng My Special Tatay bilang si Ote, kaibigan ni Boyet (Ken Chan) na mayroon ding mild intellectual disability.

Matagal daw hindi nakalabas sa teleserye si Mikoy.

Huli pa raw niya ay ang MariMar at ang D'Originals kaya happy siyang mabigyan ulit ng teleserye.

"Hindi nga ako nakapag-prepare para sa role ko kasi noong tawagan ako, the next day na yung taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ni-research ko na lang yung mga kilos at pananalita ng patients na may ganong disability.

''So far, okey naman ang ginagawa natin.

''Humihingi rin ako ng tips kay Ken kung paano pa ang speech pattern at movements ng characters namin."

Ayon pa kay Mikoy, "Maraming televiewers ang natutuwa kapag may eksena sina Boyet at Ote.

''Kasi may kakampi si Boyet parati. Pero ganun talaga ang may ganyang disability. They talk na parang mga bata talaga.

''We are actually careful na huwag sumobra kasi baka lumabas na comedy. Yung tama lang ang pag-interpret namin sa role.

"Pareho naman kami ni Ken na nag-acting workshop under kay Anthony Bova.

''So, may mga alam na kaming ways kung paano atakehin yung role."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN