Mikoy Morales cries foul after being dragged into Maine-Juancho rumor

IMAGE Noel Orsal

Mikoy Morales: "Sana mapagtibay pa ang batas sa cyber crime at makagawa ng paraan mahuli ang mga mahilig mambastos sa social media. Kailangan din naman na maprotektahan kami sa mga bashers na ito."


Kailan lang ay nakipagsagutan si Mikoy Morales sa isang netizen na minura siya sa kanyang sarling social media account.

Inamim ng aktor na uminit ang kanyang ulo kaya sinagot niya ang basher.

Pero hindi naman daw niya pinagsisisihan na sinagot niya ang bastos na basher.

Para kay Mikoy, tama lang na mag-react siya dahil nananahimik siya pero idinadamay siya sa isyu ng kaibigan niyang si Juancho Trivino.

Kaugnay ito ng pagkaka-link ni Juancho kay Maine Mendoza, na very much identified sa love team nila ni Alden Richards.

Ang hindi lang maintindihan ni Mikoy ay kung bakit pati siya ay dinadamay.

Pahayag niya, "Sa totoo lang, kahit na kaibigan ko si Juancho, wala akong kinalaman sa issues niya.

"Pero hindi lang ako makapagpigil sa bastos na basher na iyon.

''Minura niya ako kaya minura ko rin siya."

Naaaraw si Mikoy sa bashing na natatanggap ni Juancho.

"I cannot just imagine kung anong klaseng bashing ang natatanggap ni Juancho every day.

''Pero he's still calm and cool about it.

"I guess it's time din na kailangan i-call out na natin ang mga basher na iyan.

"Sumosobra na sila and they abuse kung anumang power meron sila over social media," saad ni Mikoy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Gusto raw ni Mikoy na matutong lumaban ang celebrities sa bashers on social media.

The more na nananahimik daw sila, the more na ibe-verbal abuse sila.

"Mas maganda sana kung kilala mo yung kinakalaban mo, di ba?

''Kasi with social media, nakatago sila. They make different accounts kaya hindi sila titigil talaga.

"Gusto ko sana na maging vocal kaming mga celebrities against these trolls.

"Sana mapagtibay pa ang batas sa cyber crime at makagawa ng paraan mahuli ang mga mahilig mambastos sa social media.

"Kailangan din naman na maprotektahan kami sa mga bashers na ito," saad ni Mikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN