Miss Venezuela is Reina Hispanoamericana 2018; Alyssa Muhlach fails to make it to Top 10

IMAGE @augusto_albornoz and @alyssamuhlach on Instagram

Miss Venezuela Nariman Battikha (left) was crowned Reina Hispanoamericana 2018 in the annual pageant held in Bolivia this Sunday, November 4 (Philippine time). Alyssa Muhlach Alvarez of the Philippines (right) fails to make it to Top 10.


Nabigo ang kandidate ng Pilipinas na si Alyssa Muhlach Alvarez na masungkit ang korona sa Reina Hispanoamericana 2018.

Ginanap ang grand coronation sa Sta. Cruz de la Sierra, Bolivia, ngayong Linggo, November 4 (Philippine time).

Kahit sa Top 10 ay nabigong makapasok ang 23-anyos na si Alyssa, anak ng aktres na si Almira Muhlach at dating basketball player na si Bong Alvarez.

Ang kinoronahang Reina Hispanoamericana 2018 ay si Nariman Battikha ng Venezuela.

Itinanghal namang Virreina si Isabela Pandini ng Brazil.

First runner-up si Miss Mexico, second runner-up si Miss Paraguay, third runner-up si Miss Bolivia, at fourth runner-up si Miss Chile.

Nakapasok din sa Top 10 ang mga kandidata mula sa Ecuador, Cuba, Peru, at Europa Hispana.

Tatlumpung kandidata ang naglaban-laban sa naturang pageant.

Si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ng Pilipinas ang nagpasa ng korona kay Nariman.

Si Winwyn ang kauna-unahang Pilipina na lumahok at nanalo sa pageant na dominated ng Latin countries sa mga nakalipas na taon.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN