Marian Rivera thankful for fuss-free pregnancy

IMAGE Marian Rivera Facebook page

Marian Rivera is glad that she hasn't experienced any complications during her second pregnancy: "Eto po, mukhang wala pa namang pagbabago maliban lang sa konting nagpaparamdam na bump ko. So far okay naman po."


“Sobrang thankful ako, and besides dahil siguro behind that, thankful ako na may endorsement ako.

“Pero behind that, alam kong nakabuo uli ako ng isang pamilya, kasi ang tagal naming itinago ito at ang dami-daming usap ng mga ito, na nagkaroon talaga ng bonding na as family na.

“So sabi ko nga, ito yung pinaka palaging bonus sa akin...

“Kapag sa isang produkto na hindi lang dahil ine-endorso mo siya, binabayaran ka nila, at the same time nagiging pamilya mo sila, at maituturing ko itong Beautederm family na ito.

“Talagang literal pamilya ko sila,” umpisang pahayag ni Marian Rivera tungkol sa pagiging pinakaunang celebrity endorser niya ng Reverie ng Beautederm Home.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launch niya as Beautederm Home endorser noong October 23 sa La Chandelle Events Place sa Mother Ignacia Ave. sa Quezon City.

Ang aktres na si Shyr Valdez ang nagpakilala kina Marian at Beautederm Home President and CEO Rhea Anicoche-Tan.

Co-stars dati sa Super Ma’am sina Shyr at Marian, at iisa ang manager nila, si Rams David na manager din ni Maine Mendoza.

Samantala, longganisa raw ang naging daan para maging close sina Marian at Rhea.

Ayon sa kuwento ni Rhea, “Napakasuwerte ko po at pinakilala ni Ate Shyr si Marian sa Super Ma’am, so si Yan-yan talaga…

“Siyempre Marian po ‘to, kaya ilang buwan akong hindi nakatulog, promise!

“Si Ate Shyr, nasabi niya na mahilig po kasi si Dingdong sa longganisa...

“Kasi meron din po akong tindahan ng longganisa, totoo po ‘yon, lahat po binebenta ko, bagnet, ganun.

“Pinadalhan ko po si Marian.

“Sabi ko, napakabait naman nito, kasi pinu-post niya sa IG niya.

“Di ba, minsan po pag yung pinu-post parang, ‘Wag na Ate, nakakahiya, Marian yan, e.’

“'Tapos, pinadalhan ko po siya ng mga air freshener, 'tapos ginagamit din po ng anak niya, so dun po yun nag-umpisa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS-ON ENDORSER

Hands-on si Marian bilang endorser.

Sabi ni Marian, “Sa ayaw at sa gusto ni Ms. Rhea, ako po ang lahat ng nag-decide niyan—ultimo bottle, yung scent niya, yung kulay niya...

“Ako po ang nagsabi sa kanila na ganitong tema yung gusto ko, at hindi naman po sila tumanggi.

“Lumipad pa si Ms. Rhea sa ibang bansa para mahanap yang bottle na gusto ko.”

Air freshener at scented candles na gawa sa pure soybean oil ang ilan sa mga produkto ng Beautederm Home.

Patuloy pa niya, “Ito kasi, yun po yung sinasabi ko, pag merong isang endorso na gusto akong kunin, isa lang ang sinasabi ko sa manager ko, ‘Patingin muna ako.’

“Gusto kong malaman kung ano ang quality na meron sila.

“Puwede ba ito sa akin, lalo na ngayon na buntis ako? Anong ingredients meron ito, anong scent, saan ito mabibili?

“So lahat yan tinatanong ko sa kanila, nung naamoy ko siya at nakita kong organic pa siya, sabi ko talaga, ‘Ay!’

“E, mahilig ako sa mga amuy-amoy na mga scent na mabango sa kuwarto, sa bahay.

“So sabi ko, parang walang dahilan para hindi ko siya tanggapin, especially bonus na lang nung nakilala ko si Ms. Rhea, na sobrang bait, napaka-down-to-earth, na parang, ‘Siya na ba yung may-ari?’

“So hindi mo maramdaman, kumbaga ang sarap kausap, hanggang sa sabi ko nga nauwi siya as family.

“Yun ang importante sa akin.”

FUSS-FREE PREGNANCY

Kumusta ang pagbubuntis ni Marian?

Aniya, “Kumusta ang pagbubuntis?

“Eto po, mukhang wala pa namang pagbabago maliban lang sa konting nagpaparamdam na bump ko.

“So far okay naman po.

“Sabi ko nga e, ito yung isa sa mga pangarap ko talaga, ang magkaroon ng maraming anak sa… na marami talaga.

“So ngayon na buntis ako, ine-enjoy ko talaga siya.

“So sana biyayaan pa.

“Hindi pa nga lumalabas, humihingi na ako, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi gusto ko madami.”

May chance ba na maging endorser rin si Zia ng Beautederm Home?

Saad niya, “Sinabi niya [Rhea] po yun sa akin, sinabi niya po yan.

“Titingnan po natin, kasi ang nagde-decide pagdating kay Zia is more on asawa ko.

“Alam mo naman yung asawa ko.

“Ligawan nila si Dong. Maraming longganisa,” at tumawa ang GMA’s Primetime Queen.

“Longganisa lang yung tinanggap ko ha, kasi tocino gusto ko Purefoods,” dagdag pa ni Marian.

Posible ba na maging endorser ang buong Dantes family?

Halimbawa, si Dingdong, puwedeng maging endorser ng Beautederm cologne?

Paglinaw niya, “Well, hindi ko alam kasi may Bench siya, and beauty, skin meron din siya.

“So yun, okay lang yun.

“Iba siya, iba ako.”

Ayaw muna i-reveal ni Marian kung ilang buwan na siyang buntis.

“Basta second semester na ko.”

Tapos na ba siya sa paglilihi?

“Tapos na.”

Hindi na siya masyadong sensitive sa mga amoy?

Kuwento niya, “Actually, since day one naman hindi ako sensitive, e.

“Parang kay Zia din, kumbaga pag may naggigisa, di ba, yung iba ayaw nila? Ayaw nilang maka-amoy ng ganun.

“Ako parang never akong naka-ano ng ayaw kong amoy.

“Parang hindi naman ako ganun ka-sensitive.”

Pero may mga gustung-gusto ba siyang amoy?

Pahayag niya, “Si Dingdong, tsaka yung anak ko, tsaka pangatlo ‘tong Beautederm scent [scented candle] na ito.

“Nakakatulong kasi sa aking mag-relax, lalo na yung lavender sa gabi, so sinisindihan ko siya para ma-relax ako.

“Kasi di ba alam mo yun, pag buntis ka, medyo nagsesenti-senti ka.

“Alam mo yun pag tulog na yung anak ko, 'Ayan, magre-relax ako, nagmu-music ako with matching candle.'

“Nakakatulong kasi siya e.”

Di ba may mga buntis na masungit?

“Ay, hindi ako masungit! Sobrang friendly ko,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN