Julia Barretto, Joshua Garcia crush misguided basher

IMAGE @juliabarretto / @nhilanhils Instagram

Buwelta ni Julia Barretto sa malisyosong akusasyon ng isang basher: "Are u mad at the fact that I'm the woman who owns and holds the heart of Josh?"


Kinondena ni Julia Barretto ang basher na inakusahan siyang "malandi, immature, at gumagawa ng alibi" para hindi makarating sa 21st birthday party ng boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Nag-ugat ito sa Instagram Story ni Julia, kung saan nabanggit ng Kapamilya young actress na masama ang kanyang pakiramdam kahapon, November 4.

Gabi ng November 4 ang party ni Joshua sa isang events place sa Quezon City.

Ilang oras bago ang party, sunud-sunod ang pag-atake ng basher kay Julia sa Twitter.

Sinabi ng basher na "umiksena" lang ang aktres sa post nitong "not feeling well."

Sabi pa ng basher, halatang "promo" lang ang "ka-sweetan" nina Joshua at Julia dahil nauugnay diumano ang dalaga sa kaibigan nitong si Patrick Sugui.

Hindi nakatiis si Julia sa malisyosong akusasyon ng basher, na nagpakilalang fan ni Joshua.

Buwelta ni Julia, "Oh Cherry. I did say I was sick but did I ever say I couldn't make it?

"Are u mad at the fact that I'm the woman who owns and holds the heart of Josh?

"See you later. I won't be too hard to find, I'll be the beautiful woman holding his hand [hearts emoji]." 

Isinumbong din ni Julia kay Joshua ang tinamong masasakit na salita mula sa basher.

Agad na sumagot si Joshua at binalaan ang basher na tigilan na ang paninira kay Julia.

"This is not funny para sa araw na to. Stop this!" sabi ng young actor.

Si Julia ang VIP guest sa belated birthday celebration ni Joshua na inorganisa ng JoshLia fans.

Noong October 7 pa ang mismong birthday ng binata.

Katulad ng sinabi ni Julia, siniguro niyang hindi sila mapaghiwalay ni Joshua sa ginanap na okasyon kagabi.


Stories We Are Tracking

Julia Barretto quashes rumored tiff with Joshua Garcia
Julia Barretto quashes rumored tiff with Joshua Garcia
Julia on bickering with Joshua:
Julia on bickering with Joshua: "It's worse in real life."
Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup
Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN