Ai-Ai delas Alas recalls first date with husband Gerald Sibayan

IMAGE Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Back in September 2014, former star player of DLSU badminton team Gerald Sibayan confirmed to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) his relationship with Comedy Queen Ai-Ai delas Alas. 


Nagbalik-tanaw si Ai-Ai delas Alas sa unang date nila ng asawang si Gerald Sibayan taong 2014.

Sa Instagram kahapon, November 4, ibinahagi ng Queen of Comedy ang isang photo collage nila ng asawa noong April 2014 at November 2018.

Binalikan kasi ng dalawa ang isang coffee shop sa Bonifacio Global City sa Taguig pagkatapos nilang nakipaglamay sa namayapang si Rico J. Puno.

Sa coffee shop na ito unang nag-date sina Ai-Ai at Gerald.

Nakapuwesto sila sa mismong upuan kung saan sila umupo mahigit apat na taon na ang nakalilipas.

Sabi ni Ai-Ai sa caption, “Nagpagpag kami after sa wake ni kuya Rico... and dito kami sa Starbucks BGC kung saan 4 1/2 years ago first date namin ni darl and eto na kami ngayun sa mismong kinauupuan namin nun. @gerald_sibayan #angtamisngmemories.”

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang nagsalita si Gerald tungkol sa relasyon nila ng Sunday PinaSaya star noong September 15, 2014.

Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald sa simbahan noong December 12, 2017.


Stories We Are Tracking

<p>Ai-Ai delas Alas’s new BF confirms their relationship

Ai-Ai delas Alas’s new BF confirms their relationship



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN