More photos of Paolo Ballesteros with non-showbiz guy circulate online

IMAGE Photo from Facebook (Ayseho Jose Diaz)

Netizens continue to speculate about the real score between Paolo Ballesteros and a non-showbiz guy named Kenneth Gabriel Concepcion.


May mga bagong larawan na lumabas sa social media kung saan magkasama si Paolo Ballesteros at ang non-showbiz guy na sinasabi ng ilang netizens na diumano’y bagong karelasyon ng Eat Bulaga! host.

Ang non-showbiz guy na nali-link ngayon sa 35-anyos na si Paolo ay nagngangalang Kenneth Gabriel Concepcion.

Nitong Linggo, November 4, ipinost ang mga larawan nina Paolo at Kenneth, kasama ang dalawa pang lalaki.

Makikita ang mga larawang ito sa Facebook account ng isa sa kanila.

Base sa impormasyon, kuha ang mga larawan sa isang restaurant sa Biñan, Laguna.

 IMAGE Photo from Facebook (Ayseho Jose Diaz)

PAOLO POSTS CRYPTIC EMOJIS

Samantala, nitong November 1, nag-post si Paolo sa Facebook ng tatlong emojis—pusa, puso, at oso.

Sa post ni Kenneth noong October 28, ginamit niya ang hashtags na #oso at #muning.

Matutukoy sa mga post ni Kenneth na "oso" ang tawag niya sa kanyang sarili.

Si Paolo naman ay isang cat-lover at may mga alagang pusa.

Sa comment section ng posts ni Paolo, tinukso ng netizens ang actor-TV host tungkol sa kanyang love life.

THE CONTROVERSIAL POST

Noong October 28, nag-post si Kenneth ng larawan niya kasama ang Eat Bulaga! host na kuha sa isang restaurant sa Quezon City.

Kumalat sa social media ang naturang larawan, kaya nag-speculate ang netizens na may espesyal na namamagitan kina Paolo at Kenneth.

Nagkokomento rin si Paolo sa social media posts ni Kenneth, dahilan para lalo silang tuksuhin ng netizens.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kenneth kahapon, November 4, upang kunin ang kanyang pahayag hinggil sa isyu, pero hindi kami nakatanggap ng sagot.

Muli kaming nagpadala ng mensahe sa kanya ngayong Lunes, November 5; gayundin kay Paolo.

Ilalathala agad ng PEP.ph sa oras na sumagot sina Paolo at Kenneth sa aming mensahe.


Stories We Are Tracking

Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN