Sharon Cuneta gets emotional over late mom's diary

IMAGE @reallysharoncuneta Instagram

An excerpt from Sharon Cuneta's emotional message for late mom Elaine Cuneta: "I never felt that anything I did for you or gave you was ever enough. And so that page with your handwriting changed so much."


Hindi maiwasang maging emosyunal ni Sharon Cuneta dahil ngayong araw, November 5, ang fourth death anniversary ng inang si Elaine Gamboa-Cuneta.

Ayon sa Megastar, kamakailan lang ay natagpuan ng kanyang anak na si KC Concepcion ang isang pahina mula sa lumang diary ni Mommy Elaine.

Dito raw napatunayan ni Sharon ang lalim ng pagmamahal sa kanya ni Mommy Elaine sa kabila ng kumplikado nilang relasyon bilang mag-ina noon.

Base sa kanyang Instagram post, sabi ng 52-year-old actress-singer: “It’s been four years since you left us, Mommy ko.

“I miss you. I miss you especially since KC found that page from your diary and I couldn’t stop crying.

“I didn’t know that simple things I did for you made you happy.

“I never felt that anything I did for you or gave you was ever enough.

“And so that page with your handwriting changed so much.”

Ibinuhos din ni Sharon sa kanyang madamdaming mensahe para sa ina ang pagmamahal niya para rito.

Patuloy niya, “And now I miss and love you even more.

“I am sorry, Mommy. Please forgive me.

“And thank you from the bottom of my heart for appreciating me. I hope you are proud of me.

“I love you with all my heart.

“Oh, Mama I need you so much now. So much I wish I could tell you...

“Stay happy with Jesus and Daddy and Andrea and Raphael. I love you.”

Kalakip ng Instagram post ni Sharon ang isang litrato kung saan kasama niya ang inang si Elaine at anak na si KC.

SO MUCH LOVE FROM MEGASTAR

Noon pa man ay bukas sa pagsasabi si Sharon na mas malapit ang relasyon ng kanyang ina at ni KC, kumpara sa kanila ng panganay na anak.

Sabi ng Megastar sa kanyang eulogy sa lamay ng ina noong November 2014, "Kasi, feeling ko, parang I always had to prove myself to her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was never that daughter she wanted.

“And then, KC came.

“So I’m so grateful that she had that with KC, because of their closeness I never experienced and their closeness I never experienced with her, I never experienced with KC.”

Gayunman, iginiit ni Sharon na hindi matatawaran ang pagmamahal niya para sa yumaong ina.

Masaya rin si Sharon dahil nitong mga nakaraang buwan ay mas gumanda ang samahan nila ng anak niyang si KC.

Patunay nito ay ang palitan nila ng sweet messages sa isa’t isa sa social media.  


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN