John Estrada on Rico J. Puno: "Aside from being a great singer, he's a great comedian also."

IMAGE Mark Atienza

Actor John Estrada visited the wake of Total Entertainer Rico J. Puno last night, November 5. Rico's interment is on Thursday, November 8, at Heritage Memorial Park in Taguig City. Prior to his burial, there will be a public viewing for the singer-turned-public servant at Makati City Hall from 6:00 a.m. to 10 a.m. Rico served for almost 11 years as councilor in Makati's first district. 


Nagbigay-pugay si John Estrada kay Rico J. Puno sa ika-anim na gabi ng burol ng namayapang legendary singer kagabi, November 5, sa Santuario de San Antonio Parish, sa Forbes Park, Makati.

Kasama ni John ang kanyang misis na si Priscilla Meirelles.

 IMAGE Mark Atienza

Si John ay naging co-host ni Rico sa defunct noontime show ng ABS-CBN noon na Happy Yipee Yehey!

Kasama nila sa show sina Randy Santiago, Pokwang, at Toni Gonzaga.

Umere lamang ang palabas sa loob ng isang taon—mula February 12, 2011 hanggang February 4, 2012.

Ano ang hindi makakalimutan ni John sa co-host at kaibigang si Rico?

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Marami, he’s so witty, napakagaling ng timing.

“Aside from being a great singer, he’s a great comedian also.

“Yung mga double-meaning jokes, basta he’s just fun to be with.”

 IMAGE Mark Atienza

Hindi lang daw siya ang makaka-miss sa tinaguriang The Total Entertainer kundi pati na ang buong Pilipinas na nagmahal at humanga kay Rico.

Sabi ni John, “Siguro yung buong persona niya as Rico J. Puno.

“I think hindi lang ako, buong Pilipinas, fans niya.

“Yung buong persona, yung mami-miss ko talaga ay yung hindi ko na siya mapapanood sa TV kahit na more than yung… 

“I mean, yung personal naming pagkakaibigan, yung mapanood mo yung isang Rico J. sa TV, yun ang mami-miss ko.”

Sa huli, sinabi ni John na nag-iisa lang si Rico sa local entertainment industry.

Paliwanag niya, “Ako talaga, ang dami nating singers sa Pilipinas, pero walang kasing boses si Yangku Rico J.

“Boses para sa akin, yes talaga.”

Ang 'Yangku" ay ang pabaligtad na pagbigkas ng salitang Kuyang.

Sa Miyerkules, November 7, gagawin ang necrological service para kay Rico.

Magkakaroon muna ng public viewing sa Makati City Hall sa Huwebes, November 8, mula alas-sais hanggang alas-10 ng umaga, bago ihatid ang singer sa kanyang huling hantungan sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanilbihan si Rico bilang konsehal ng first district ng Makati City mula 1998 hanggang 2007, at June 2016 hanggang nitong kanyang kamatayan.

Pumanaw siya noong madaling-araw ng October 30, 2018, sa edad na 65.


Stories We Are Tracking

Rico J. Puno dies at 65
Rico J. Puno dies at 65
Martin, Gary, Regine, Sharon, Lea, pay tribute to Rico J.
Martin, Gary, Regine, Sharon, Lea, pay tribute to Rico J.
Vice, Anne, Richard, Ai-Ai pay tribute to Rico J. Puno
Vice, Anne, Richard, Ai-Ai pay tribute to Rico J. Puno
Janno Gibbs, Angeline Quinto pay homage to their Tatay Rico
Janno Gibbs, Angeline Quinto pay homage to their Tatay Rico


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN