Regine Velasquez to take action against cyberbullying

IMAGE Jerry Olea

Regine Velasquez says it's time to take a stand against bashers and out-of-line netizens. "I'm trying to do something to eliminate those people, to make it easier for all of us to complain at may mararating yung complaints na yun."


Dahil sa paglipat ni Regine Velasquez mula GMA-7 papuntang ABS-CBN ay pinutakti siya ng online bashers.

Totoo bang may balak siyang magsampa ng kaso laban sa netizens nangba-bash at nagpapadala ng hate messages sa kanya at pamilya niya?

Sagot ng Asia's Songbird, “I’m not gonna file, kasi it’s very tedious.

"I have to go to the NBI and file a case and hire a lawyer.”

Ngunit dugtong nito, “But I am doing something, I’m talking to some people how to make… alam mo yung to make complaining easier for all of us?

“Kumbaga, parang pareho din, pag gusto mong magreklamo pupunta ka ng NBI, pero ito, you just go to their [website] link and you put everything in there.

"Kasi there’s a cyber law naman, e, meron namang existing na cyber law," ani Regine, na ang tinutukoy ay ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Dagdag pa niya, “But you know what’s funny pa? What’s not right actually is people are actually laughing at this law, they’re laughing at it, and it’s sad.

“There’s a reason why it was there, you know, and I felt really sad that they’re mocking the law and they were laughing about it, and so I thought maybe really we should do something about it.

"It’s not enough anymore that we just… kumbaga, yung gagawa tayo ng awareness about cybercrime, it’s not enough, there has to be another way.

"And feeling ko sa generation natin, magtutulung-tulong tayo, puwede nating magawa ito.

"We could actually make a difference. "

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Regine sa presscon ng kanyang concert na Regine At The Movies, noong November 4, sa 81 SeiHai Restaurant sa Quezon City. 

Magaganap ang concert ni Regine sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), Cubao, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo ang concert dates ni Regine at may special guest siya sa bawat pagtatanghal.

Sa November 17 ay si Piolo Pascual, sa November 24 ay si Sharon Cuneta, at November 25 si Daniel Padilla.

USE OF SOCIAL MEDIA

Ayon kay Regine, dahil sa bashers ay nasisira ang maganda sanang epekto ng social media para sa lahat.

"For me kasi, yun bang itong social media that we are all enjoying, it’s to make friends, you know?

“Dun sa mga medyo mahiyain, ang dali to make friends kahit na medyo mahiyain ka.

"In Facebook you can do that, in Instagram puwede kang mag-post ng picture mo kesehodang i-edit mo nang i-edit iyan, basta happy ka.

“It’s to make us all feel happy and to make us all feel that we belong, and then there are these people who try and ruin it for all of us, hindi ba?" 

Ito raw ang dahilan kaya nais niyang maging mas madali para sa mga tao ang maghain ng reklamo sa mga mapang-abusong netizens.

"So I’m trying to do something to eliminate those people, to make it easier for all of us to complain at may mararating yung complaints na yun.

"So, hopefully. Hindi ko alam kung meron talagang mangyayari, kasi kailangan ko yung support ng government, e, 'cause it’s such a big task."

Sino ang kausap niya tungkol dito?

“Hindi ko pa puwedeng sabihin, but I’m talking to someone.

“I’m talking to someone na para bang hopefully… kasi iniisip ko, biruin mo ako ang tanda ko na, 48 years old na ako, naa-affect pa ko, nasasaktan pa ako.

"Paano na lang yung mga mas bata and hindi masyadong stable, di ba?

“And marami talagang nadi-depress, ah, dahil nabu-bully sila sa social media, and it’s not good.”

Ayon pa kay Regine, “And I’m doing this for my children, yung daughter [Leila Alcasid] ko nga is also a victim of bullying, e, so at least man lang masabi ko sa sarili ko na may ginawa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ayun lang, I’m trying to do something, hopefully something will come out of it.”

"I JUST NEEDED TO DEFEND MYSELF."

Ano ang mensahe ni Regine sa lahat ng nangba-bash sa kanya sa paglipat niya sa ABS-CBN?

“Hahaha! Message ko? Ano ba message ko? God bless!

“Actually ano lang, yung totoo, I was kinda expecting that I will actually have that.

“Kasi ganun talaga, e, they’re… parang they’re supporters of GMA. 

"And I totally understand, I’m okay, it’s just that pag ikaw kasi yung bina-bash, it’s so hard not to get hurt.

“Even if you say hindi ko na lang papansinin, pero pag nakakabasa ka ng masasamang words, it’s very hard to keep quiet.

“So I thought, like, I needed to also say something and defend myself, hindi naman ako nakipag-away, I just needed to defend myself.”

Dagdag pa ni Regine, “I don’t think that’s wrong, I think it’s also my right, since I was being called many names.

“So ayun lang, thank you pa rin for doing that and thank you for... nagte-thank you ako dun sa lahat ng mga supporters ko na talagang nagtatanggol.

“Talagang sila mismo yung talagang nakikipagbangayan.

"They really didn’t have to but I appreciate what they’re doing for me, so thank you very much."


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez strikes back at online bashers
Regine Velasquez strikes back at online bashers
Regine posts open letter to bashers amid ratings war
Regine posts open letter to bashers amid ratings war


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN