Veteran character actor Nonong "Bangkay" de Andres dies at 71

IMAGE Courtesy: Powee Capino on Facebook

Character actor Nonong "Bangkay" de Andres, known for his roles in many horror and comedy movies, passed away Tuesday morning, November 6.


Pumanaw na ang beteranong aktor na si Nonong de Andres—mas kilala sa showbiz bilang si "Bangkay."

Binawian siya ng buhay ngayong Martes ng umaga, November 6.

Siya ay 71 taong gulang na.

Kinumpirma ng pamangkin ni de Andres na si Paolo Capino ang malungkot na balitang ito sa ABS-CBN News.

Ayon kay Capino, namatay ang kanyang tiyuhin sa bahay ng kaibigan nitong mayor ng Plaridel, Quezon, na si Bernard Tumagay.

Pero ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News, natagpuan diumano ng isang caretaker ang bangkay ng veteran character actor sa isang beach resort sa Plaridel, Quezon.

Ayon sa GMA News, "apparent suicide" ang ikinamatay ni de Andres.

Sa Facebook post ng pamangkin ni de Andres na si Powee Capino, humihiling ang kanilang pamilya ng dasal para sa kanyang namayapang tiyuhin.

"Please pray for the eternal repose of the soul of my Tito Nonong who passed away early this morning.

"He is more popularly known as 'Bangkay' in horror movies and 'Bangky' in Forevermore.

"This is aside from the hundreds of movies and TV appearances he was in throughout his acting career. He was 71."

Wala siyang inilagay na detalye kung ano ang ikinamatay ng kanyang tiyuhin.

Ang Forevermore ay ang sikat na primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2014.

Sa Forevermore din sumikat ang "love team" ni de Andres at ng character actress na si Lilia Cuntapay, na nakilala rin sa pagganap sa horror films.

Pumanaw si Lilia noong August 2016.

Ang huling proyekto ni de Andres sa telebisyon ay ang Bagani (2018) na pinagbidahan din nina Liza at Enrique.

Unang napanood si de Andres sa pelikulang Kisame Street (1976) starring Dolphy, Panchito, at Nida Blanca.

Nakilala siya nang husto sa horror at comedy films dahil sa kanyang pagganap bilang bangkay.

Patok na patok siya sa role na bangkay kaya ito na rin ang ginamit niyang screen name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN