Maja Salvador catches up with John Lloyd Cruz amid his hiatus

IMAGE Noel Orsal / @netdrustia Instagram

Maja Salvador's update on John Lloyd Cruz amid his showbiz hiatus: "Nakita niyo naman kung gaano kaganda yung aura niya ngayon. So he's very, very, very happy. Period."


Nagkaroon ng pagkakataong magkita sina Maja Salvador at John Lloyd Cruz sa kabila ng showbiz hiatus ng aktor.

Base ito sa Instagram post ng Star Magic handler nilang si Net Rustia ngayong Martes, November 6.

Sa caption, sabi ni Net patungkol kay John Lloyd: "Thank you for keeping in touch!

"Sana mas madalas dalas tayo magkita ngayon hindi lang sa txt Hahaha!

"alam mong mahal kita my panganay [hearts emoji] and im happy for what you have and for what you are now, andito lang ako hindi nagbabago kung anu ang pinagsamahan natin mula nuon hanggang ngayon!

"Love you anak!"

Saad ni Maja sa comments section ng post, "ampogi talaga!"

Tiyempong nakapanayam si Maja ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters sa presscon para sa pelikula nila ni Zanjoe Marudo na To Love Some Buddy ngayong hapon.

Dito kinumpirma ni Maja ang pagkikita nila ni John Lloyd.

Nakangiting sabi ni Maja, "Na-miss niya ako!"

Pero tumangging magdetalye ang aktres kung anuman ang update sa personal na buhay ng aktor.

"Sa akin na lang yun," sabi ni Maja.

"Nakita niyo naman kung gaano kaganda yung aura niya ngayon. So he's very, very, very happy. Period."

Tila si Maja ang isa sa iilang artistang nakakakumustahan ni John Lloyd, mahigit isang taon mula nang magdeklara ito ng "indefinite leave" sa showbiz

Sabi ni Maja, "Ako kasi yung taong... Well, ikaw ang nakakita. Hindi ako ang nag-post.

"Hindi naman lahat ng ganap ko sa mga kaibigan ko, kailangan ko i-post. Yun.

"As much as possible, ayaw kong magbigay ng detalye.

"I want to respect him. Gusto ko respetuhin yung friendship na meron kami. Yung trust na naibibigay sa akin."

Nabanggit ba ni John Lloyd kung may plano itong magbalik-showbiz anytime soon?

Sagot ni Maja, "Uhm, yung mga bagay na mga ganyan, wala iyan sa topic namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag nagkikita kami, laging hindi kami artista." 

Nagkatrabaho sina John Lloyd at Maja sa pelikulang One More Chance noong 2007.

Naging malapit din sila sa isa't isa dahil pareho nilang handler si Net sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

"Same handler kami.

"Kumbaga, siya yung pinakadikit ko rin na lalaki.

"Di ba, ang tawag ko nga dati [sa kanya] Itay.

"Pero pinagbawalan akong tawagin siyang Itay.

"Pero ngayon, puwede na ulit. Itay ko na ulit siya!" bulalas ni Maja.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN