Maja Salvador on bumping into an ex-boyfriend: "Mapapansin mo, gumwapo ba o hindi?"

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador no bad blood with any of her ex-boyfriends: "In fairness naman, pag may nakakasalubong akong ex ko, sobrang civil naman." 


Nilinaw ni Maja Salvador na hindi siya kailanman nakaramdam ng takot na makasalubong ang sinuman sa kanyang ex-boyfriends.

Lalo na’t wala naman siyang hinanakit sa mga ito.

Hindi na binanggit ni Maja, pero sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli ang kilalang nakarelasyon ng aktres mula sa showbiz.

Sabi ng To Love Some Buddy actress, “Hindi yung dahil hindi ka pa nakapag-move on, e.

“Nandun yung, 'Ano nga bang mapi-feel ko kapag nakita ko?'

“Siyempre magiging honest tayo, mapapansin mo kung tumaba or pumayat? Gumwapo ba o hindi? Di ba, ganun naman?”

Mas gusto ba niyang mas fresh o yung naging mukhang haggard yung ex niya pagkahiwalay nila?

Nakangiting sagot ni Maja, “Siyempre yung kahit papa’no mas fresh.

“Walang echos! Wala ka namang ibang hiling kundi happiness nila.”

Wala raw dapat ipag-alala si Maja sa tuwing makakasalubong niya ang sinuman sa kanyang ex-boyfriend.

“In fairness naman, pag may nakakasalubong akong ex ko, sobrang civil naman." 

Mapapasambit daw siya ng "Uy!" sabay makikipagtanguan.

Paglilinaw niya, civil pero hindi naman daw siya yung tipong ka-close pa rin ang isang ex-boyfriend.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon ng To Love Some Buddy, na ginanap ngayong araw, November 6, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN ELJ Building sa Quezon City.

Selosang girlfriend ang ginagampanang papel ni Maja sa pelikula.

NOT A JEALOUS GIRLFRIEND

Sa totoong buhay ba ay naranasan niyang papiliin ang boyfriend niya kung mas sexy siya kaysa sa sinumang ex-girlfriend nito?

Sagot ni Maja, “May mga ganung moments. Hindi lang [yung papipiliin ko siya kung] ‘Puwet ni ganito? Puwet ni ganyan?’

“Kunwari, ‘Sino mas maganda? Si ganito ba? Sinong mas sexy sa ‘yo?’

“Hindi ako yung girlfriend na, ‘Bawal kang magandahan diyan!’

“Minsan, ako pa yung nangunguna, ‘Di ba, ang ganda ni ganito?’”

Hindi raw isyu kay Maja ang selosan sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Out of curiosity lang kung magtanong man daw siya ng mga ganung bagay sa boyfriend niya.

Hindi rin ba isyu sa kanya kung mag-like ang boyfriend niya ng pictures ng girls?

Sagot ni Maja, “Siguro kung hindi ka secure, kung hindi ipinaparamdam ng boyfriend mo sa ‘yo na ikaw ang pinakamaganda…

“Kasi, kahit na alam mong hindi ka maganda, hindi ka sexy, pero kung yung boyfriend mo yun ang pinapa-feel, kahit anong i-like niya sa ibang pictures, wala lang yun sa akin."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN