Paolo Ballesteros posts photo with rumored new boyfriend on Instagram

IMAGE @pochoy_29 on Instagram

Nananatiling tahimik si Paolo Ballesteros tungkol sa mga larawan nila ng isang Kenneth Gabriel Concepcion, na sinasabing bagong boyfriend ng TV host-actor.


Isa na namang larawan ni Paolo Ballesteros at ng bagong rumored boyfriend niya ang na-post sa Instagram nitong Miyerkules ng madaling-araw, November 7.

Si Paolo mismo ang nag-post ng larawan kasama ang sinasabing bagong boyfriend na nagngangalang Kenneth Gabriel Concepcion.

Sa larawan, makikita sina Paolo at Kenneth na kumakain sa isang restaurant.

Tanging caption dito ng 35-year-old Eat Bulaga! host: “siopao and steaks.” 

Sinamahan niya ito ng emojis ng pusa at oso.

Sa previous post ng dalawa, lumalabas na pusa at oso ang terms of endearment nila sa isa't isa.

"Oso" ang tawag ni Kenneth sa sarili habang kilalang cat-lover si Paolo.

Sa comments section, bumuhos ang panunukso ng netizens kina Paolo at Kenneth.

View this post on Instagram

siopao and steaks 🐱🐻 @i_lovegab

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

PREVIOUS POSTS

Sa restaurants ang lokasyon ng mga naunang nai-post na mga larawan nina Paolo at Kenneth.

October 28, Linggo, nang unang mag-post si Kenneth ng larawan nila ni Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City.

Kumalat sa social media ang larawan at naintriga ang netizens.

Ang iba naman, inisip agad na si Kenneth ang bagong boyfriend ni Paolo.

Maging ang mga kaibigan ni Kenneth ay tinutukso siya kay Paolo.

Nagkokomento rin si Paolo sa mga post ni Kenneth.

Makalipas ang isang linggo, noong November 4, nag-post din ng larawan sa social media ang mga kaibigan ni Kenneth.

Dito ay makikitang kasama nila sina Kenneth at Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Biñan, Laguna.


Stories We Are Tracking

Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
More photos of Paolo with non-showbiz guy circulate online
More photos of Paolo with non-showbiz guy circulate online

Dalawang beses na nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kenneth, noong November 4 at 5, upang tanungin ang tunay na kaugnayan niya kay Paolo.

Hindi kami nakatanggap ng sagot.

Noong November 5 ay nagpadala kami ng mensahe kay Paolo, via Facebook private messaging, upang kunan din ng reaksiyon hinggil sa mga larawan nila ni Kenneth.

Hindi rin kami nakatanggap ng sagot.

PREVIOUS RELATIONSHIPS

Sa social media rin nalaman ng publiko ang dating mga relasyon ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

April 2017 nang unang mag-post si Paolo sa social media kasama ang dancer na si Roland Ochoa Anog.

Pagkalipas ng isang buwan, may mga lumabas na ulat na nag-break na umano sila.


Stories We Are Tracking

Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG
Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG
Paolo opens up about reported relationship with a dancer
Paolo opens up about reported relationship with a dancer

Noong April 2018 naman ay napabalita ang diumano'y relasyon ni Paolo sa model-actor na si Sebastian Castro, kasunod ng paglabas ng mga larawan nilang magkasama sa La Union.

Pagdating ng June 2018, may makahulugang post si Sebastian tungkol sa breakup.

Sa mga pagkakataong nai-interview ng press si Paolo, iwas at matipid ang mga sagot ng Eat Bulaga! host tuwing natatanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.


Stories We Are Tracking

Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?
Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?
Did Paolo Ballesteros break up with Sebastian Castro?
Did Paolo Ballesteros break up with Sebastian Castro?


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN