Paolo Ballesteros keeps up guessing game about love life

IMAGE Instagram (Kenneth and Sebastian) / Facebook (Roland)

Three guys have been romantically linked to Paolo Ballesteros after his photos with each of them circulated on social media at different times. Currently, Paolo is being romantically linked to Kenneth Gabriel Concepcion (far left). Earlier this year, he was romantically linked to model-actor Sebastian Castro (center). Paolo got into a relationship with Roland Ochoa Anog (right) in 2017, which lasted for four months.


Kasunod ng mga larawang na-post sa social media ng diumano’y bagong boyfriend ni Paolo Ballesteros, hindi maiwasang mag-react ng ibang netizens tungkol sa love life ng Eat Bulaga! host.

Ang iba, napansin ang pattern ng 35-anyos na actor-TV host sa tuwing nagkakaroon siya ng bagong karelasyon.

Una, magpu-post si Paolo ng larawan sa social media.

Wala mang direktang pag-amin, pero base sa picture o kaya sa comment, may pahaging ng pagkakaroon ng romantic involvement.

O kaya naman, magpu-post sa social media ang sinumang nali-link sa kanya at may makahulugang mensahe si Paolo sa comments section.

ROLAND OCHOA ANOG

Ganito ang nangyari nang mag-post sa kanyang Instagram account si Paolo noong April 15, 2017.

Nag-post siya ng larawan ng dalawang magkahawak-kamay na may matching rings.

Caption niya rito: “2nd. I love you”  

Lumutang ang pangalan ni Roland Ochoa Anog, isang dancer.

May ipinost din si Paolo ng larawan ng dalawang kamay na magkahawak at may matching tattoos.

Nag-post din ang aktor ng mga larawan niya kasama si Roland, pero walang indikasyon sa caption kung ano ang estado ng kanilang relasyon.

 IMAGE @pochoy_29 on Instagram

Pagdating ng May 2017, may mga lumabas na balita hinggil sa breakup nina Paolo at Roland.

Sa episode ng Eat Bulaga! noong June 26, 2017, tila kinumpirma ni Paolo ang breakup nila ng dancer dahil sa mga makahulugang pahayag na kanyang binitawan.

Isang winner sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga! ang tinanong tungkol sa kanyang relasyon.

Habang sumasagot ang winner ay humirit ng mga hugot si Paolo tungkol sa love life niya.

Kagaya na lamang ng pagkomento niya ng “Buti pa kayo umabot ng five [months],” nang sabihin ng winner na limang buwan na ang kanyang relasyon.

Tinanong si Paolo ng kanyang mga co-host kung gaano katagal ang kanyang relasyon.

Sagot ni Paolo, “Magpu-four na, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

February 8, 2018 naman nang magsalita si Paolo tungkol sa breakup nila ng ex-boyfriend sa press conference ng pelikulang pinagbidahan niya, ang Amnesia Love.

Inamin ni Paolo na kahit magkahiwalay na sila ng dating boyfriend ay nananatili silang magkaibigan.


Stories We Are Tracking

Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about his love life
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about his love life
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo opens up about reported relationship with a dancer
Paolo opens up about reported relationship with a dancer

SEBASTIAN CASTRO

Katapusan naman ng April 2018 nang mapabalita ang diumano’y relasyon ni Paolo sa model-actor na si Sebastian Castro.

Sa artikulo ng PEP.ph contributor na si Rey Pumaloy, namataan sina Paolo at Sebastian sa Rosario, La Union, noong April 24.

Host si Paolo sa isang local beauty pageant habang matiyaga namang naghintay sa kanya si Sebastian hanggang sa pagtatapos ng event.

 IMAGE Rey Pumaloy

Umiwas sina Paolo at Sebastian sa mga tanong ng press nang tanungin tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pagkalipas ng ilang araw, nag-post si Sebastian ng larawan ng bouquet of flowers sa Instagram.

Galing daw ito sa kanyang special someone, na hindi niya pinangalanan, bilang selebrasyon ng kanilang second monthsary.

Pero noong June 23, nag-post si Sebastian sa kanyang Instagram Story tungkol sa breakup.

Makikita sa post niya ang initials na “PB.”

Hindi rin nag-confirm at nag-deny si Sebastian hinggil sa balitang nagkarelasyon sila ni Paolo, pero sinabi niyang natapos na ang relasyon nila ng kanyang special someone pagkatapos ng tatlong buwan.

 


Stories We Are Tracking

Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?
Are Paolo Ballesteros, Sebastian Castro in a relationship?
Did Paolo Ballesteros break up with Sebastian Castro?
Did Paolo Ballesteros break up with Sebastian Castro?

KENNETH GABRIEL CONCEPCION

Nitong October 28, 2018, muling naungkat ang love life ni Paolo nang mag-post ang isang Kenneth Gabriel Concepcion ng larawan nila ng aktor na kuha sa isang restaurant.

Sa comments section, inusisa si Kenneth ng netizens kung siya ba ang bagong boyfriend ni Paolo.

Ang iba naman, tinukso sila, lalo pa’t nagkokomento si Paolo sa mga post ni Kenneth.

May isa pang lumabas na larawan ang dalawa kasama ang mga kaibigan ni Kenneth noong November 4, Linggo.

Ang pinakahuling larawan nilang dalawa ay mismong si Paolo ang nag-post.

 IMAGE @pochoy_29 on Instagram

Sa kabila nito, nananatiling tahimik si Paolo sa tunay na estado ng relasyon ni Kenneth, gaya rin ng pananahimik niya noon sa mga napabalitang naging boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros posts photo with rumored BF on Instagram
Paolo Ballesteros posts photo with rumored BF on Instagram
Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy
Netizens speculate about Paolo's photo with non-showbiz guy


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN