Forevermore stars pay tribute to Nonong "Bangkay" de Andres

IMAGE Courtesy: @yvesfloreszeroseven / @michaeljohnflores / @liletesteban on Instagram

Yves Flores, Michael Flores, and Lilet took to Twitter to express their grief over the passing of former Forevermore co-star Nonong "Bangkay" de Andres.


Ikinabigla ng marami ang balitang pumanaw na ang character actor na si Nonong de Andres—mas kilala sa mundo ng showbiz bilang si Bangkay.

Pumanaw si Bangkay sa Plaridel, Quezon, kahapon, November 6. Siya ay 71 years old.

Kabilang sa nagulat sa balitang ito ang Kapamilya stars na sina Liza Soberano at Enrique Gil, na madalas kaeksena noon ni Bangkay sa teleseryeng Forevermore.

Ang Forevermore ay umere sa ABS-CBN mula October 2014 hanggang May 2015. 


Stories We Are Tracking

Liza Soberano, Enrique Gil mourn loss of Mang Bangky
Liza Soberano, Enrique Gil mourn loss of Mang Bangky
Nonong
Nonong "Bangkay" de Andres dies at 71

Nagulat din ang iba pang mga nakasama ni Bangkay sa nasabing primetime series; kabilang na sina Lilet, Michael Flores, Yves Flores, at ang kambal na sina Joi at Jai Agpangan.

Ayon kay Lilet, mami-miss niya ang text messages ng namayapang character actor.

“Kuya Bangky! So sad to hear of your passing... but on the other hand I’m assured that you are now enjoying the presence of Jesus FOREVERMORE.

"Will miss your texts greeting me and my family every Christmas season.

"RIP in the arms of our Savior. #forevermore”

Sabi naman ng young actor na si Yves Flores, “Rest in peace tito bangks. Next time sa heaven nalang kita dalhan ng paboritong kape at yosi mo. We love you #forevermore.”

View this post on Instagram

Rest in peace tito bangks. Next time sa heaven nalang kita dalhan ng paboritong kape at yosi mo. We love you ???????? #forevermore

A post shared by Yves Flores (@yvesfloreszeroseven) on

Para naman kay Michael Flores, nami-miss niya ang mga kuwentuhan nila ni Bangkay sa set noon ng kanilang teleserye sa Sito La Presa, Tuba, Benguet.

Post niya sa Instagram, “Rest in peace, bangky...You will be missed. Mamimiss ko mga chikahan natin before while doing the show, forevermore. @forevermoreofficial #forevermore #rip.”

Nalungkot din ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan sa pagpanaw ni Bangkay, na halos isang taon nilang nakasama sa Forevermore.

OTHER STARS

Nagpaabot din ng mensahe ng kalungkutan at pagmamahal ang iba pang artistang nakakakilala kay Bangkay; kabilang na sina Gardo Versoza, Kakai Bautista, at Marco Gumabao, at mga direktor na sina Theodore Boborol at Joven Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa alam ang tunay na dahilan ng biglaang pagpanaw ni Bangkay sa loob ng cottage sa isang beach resort sa Plaridel, Quezon.

May balitang lumabas na diumano'y pagpapatiwakal ang dahilan ng kanyang kamatayan, ngunit sumailalim pa sa autopsy ang kanyang mga labi. 

Nanawagan kahapon ng dasal ang mga naiwang pamilya ni Bangkay para sa katahimikan ng kanyang kaluluwa.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN