Rico J. Puno in the eyes of daughter Tosca: "Nag-iisang daddy, nag-iisang teddy bear... lahat na."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Tosca Puno says the jokes of his late dad Rico J. Puno had deeper meaning. She recalls, "Sabi nga niya, 'Alam mo, anak, you should know current events. When you make a joke, alam mo kung bakit mo ginagawa iyan.' Hindi to make fun or hindi mabastos, but it's really just to connect with people.. 'Yung mga di nila kaya sabihin, ako na magsasabi.' Ganun siya. Naiintindihan niya yung damdamin ng Pinoy, alam niya yung puso ng Pinoy."


Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang music icon na si Rico J. Puno sa Heritage Memorial Park, Taguig City, bukas, November 8.

 IMAGE Mark Atienza

May lungkot man, masaya pa rin ang panganay na anak ni Rico na si Tosca Puno-Ramos na nagawa ng yumaong singer na ikonekta sa isa’t isa ang lahat ng kanyang mga anak.

Walong magkakapatid sina Tosca: apat sa kanyang inang si Doris Tayag at apat sa tatlong magkakaibang babae.

Bukod kay Tosca, ang mga kapatid niya sa ina ay sina Rox, Doki, at Erika Puno.

Ang ibang mga anak ni Rico ay nakatira sa Amerika.

Ayon kay Tosca, maayos ang relasyon nilang magkakapatid kahit magkakaiba ang kanilang mga ina.

Lahad niya, “I will never forget si Daddy, he made the first move.

“Sabi niya, ‘Tara, sama kayo sa akin.’

“Dinala niya kami sa bahay nung isa naming sister, si Triska, and then it started there.

“At nagkataon naman, dun naman ako na-introduce kay God, so medyo nag-timing-timing lang.

“And si Papa, yung wish niya na kaming magkakapatid, maging close, magmahalan. Yun po yung gusto niya.

"Kaya ngayon pong panahon na nagdadalamhati kami, magkakasama rin kami.

“So, yung mga kapatid ko po na nasa States, they will be coming over, we’re so excited to see them.

"At yun naman din po ang gusto ni Papa, yung magsama-sama kaming pamilya."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tosca sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, Lunes ng gabi, November 5.

TOTAL ENTERTAINER

Bakas man ang kalungkutan sa mga mukha ng mga naiwan ni Rico, nakagagaan daw sa kanilang damdamin ang buhos ng maraming mensahe ng pakikiramay, pagmamahal, at suporta mula sa mga taong nakakakilala sa yumaong singer.

Ayon kay Tosca, naiibsan ang kirot sa kanilang mga puso tuwing may nababasa silang posts ng netizens sa social media na nagsasabing mahal nila ang tinaguriang The Total Entertainer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo po pala yung sinasabi nila na mas gumagaan kapag maraming nakikiramay, maraming dumadamay, maraming nagmamalasakit.

"And ang nakakatuwa po, na nakaka-proud po, kasi alam naming sikat si Daddy, pero di namin na-realize na ganun siya ka-well-loved, well-respected, and he’s very big po pala, and it’s very overwhelming.”

Kahit sinasabing may pagkabastos si Rico sa kanyang mga concert, tila may lisensiya siyang gawin ito sa harap ng kanyang mga tagahanga.

Paliwanag ni Tosca, “Siguro nga po kaya hindi siguro [siya nabatikos].

“Kaya siya tinawag na The Total Entertainer because he has made it into an art, na it’s all about timing.

“Sabi nga niya, ‘Alam mo, anak, you should know current events. When you make a joke, alam mo kung bakit mo ginagawa iyan.’

“So, alam niya kung bakit niya ginagawa yun, hindi to make fun or hindi mabastos, but it’s really just to connect with people.

“And sabi nga niya, ‘Yung mga di nila kaya sabihin, ako na magsasabi.’

“Ganun siya. Naiintindihan niya yung damdamin ng Pinoy, alam niya yung puso ng Pinoy.

“That’s why I believe he was very well-accepted, kasi alam niya kung sino yung tayo.

“So, pag nagku-concert, parang masaya-saya lang.”

MESSAGE TO ALL

Nagpaabot din ng mensahe ng pasasalamat si Tosca sa lahat ng nagmamahal sa kanyang ama.

Pahayag niya, “Maraming-maraming salamat po sa inyong pagmamahal kay Mr. Rico J. Puno.

"At totoo po, nag-iisa po talaga siya, nag-iisang Total Entertainer.

"At siyempre po, sa amin, nag-iisang daddy, nag-iisang teddy bear.

“Napaka-loving, sweet, supportive... lahat na.

"Na kahit na yung mga last days niya, kahit masakit, hindi siya sasabihin... ‘Okay lang ako.’

“Gusto niya lang yung magsama-sama kami.

"So, sa inyo pong lahat, salamat po sa lahat ng tribute, sa pinapatugtog niyo yung music ni Papa nung nalaman niyo po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra po kaming na-overwhelm sa ipinakita niyo pong pagmamahal kay Mr. Rico J. Puno. Thank you very much.

"And dahil po sa ipinakita niyong pagmamahal, kami po ay nai-encourage sa pamilya na si Daddy, di talaga siya nawala.

“And we’ll see him again soon, not in this world, but in God’s time.

“And alam kong happy siya, na alam niya, na alam ko pong ramdam na ramdam po niya na mahal natin siya.

"So, thank you very much po."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN