Judy Ann Santos on the late Rico Yan: "We were more than friends, but we're not lovers."

IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owners)

Judy Ann Santos opens up about her past "relationship" with former leading man, the late Rico Yan.


Nilinaw ni Judy Ann Santos kung hanggang saan umabot ang relasyon nila noon ng yumaong matinee idol na si Rico Yan.

Sumikat ang tambalan nina Judy Ann at Rico sa telebisyon at pelikula noong ‘90s.

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, sa edad na 27. Kasagsagan ng kasikatan niya noon.

Sa guest appearance ni Judy Ann sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, noong Martes, November 6, tinanong siya ng host na si Jolina Magdangal kung gaano kalalim ang naging relasyon nila ni Rico noon.  

Nagkasama noon sina Judy Ann, Rico, at Jolina sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Gimik.

Love team noon sina Judy Ann at Rico.

Umere ang Gimik TV series mula 1996 hanggang 1999.

Nagkaroon ito ng movie version, ang Gimik: The Reunion, noong 1999.

Ayon kay Judy Ann, “Kami ni Rico, hindi talaga kami dumating sa point na talagang nagkaroon kami ng relationship na more than friends.

“We will always say na we were more than friends, but we’re not lovers.

“Hindi kami umabot sa puntong yun.”

Sabi pa ng 40-year-old actress, “Ramdam ko naman nagki-care siya sa akin. Ganun din naman ako sa kanya.

“Pero sa lahat naman ng ka-love teams ko, palagi ko namang sinasabi, kung ano yung current situation niyo with having a relationship with another person, hindi naman nakakontrata na dapat tayo.

"Yung maging honest lang sa kung ano yung current situation niyo para alam ko kung saan din ako lulugar.

"Kung saan ko rin sila poprotektahan, kasi napakaano ng fans, e… yun lang naman."

Ayon pa kay Judy Ann, “With Rico kasi, napaka-caring na tao nun.

"Kita mo naman yun, di ba, napakalambing, touchy-feel yun.

"'Tapos, very vocal sa nararamdaman. 'Tapos kengkoy din siya.

“Hindi lang talaga kami umabot sa puntong nagkaseryosohan.

“Walang ganun, but our families are close.”

Bukod sa Gimik, nagtambal din sina Rico at Judy Ann sa mga pelikulang Paano ang Puso Ko? noong 1997 at Kay Tagal Kang Hinintay noong 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa telebisyon naman, nagkatrabaho sila sa mga drama series na Mara Clara Book 2 (1996-1997) at Esperanza (1997).

March 29, 2002 nang nadiskubreng wala nang buhay ang katawan ni Rico sa tinutuluyang kuwarto nito sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Nasa bakasyon noon si Rico kasama ang ilang showbiz friends.

Ayon sa ulat, acute hemorrhagic pancreatitis ang naging sanhi ng kamatayan ni Rico.


Stories We Are Tracking

A lookback on the life of matinee idol Rico Yan
A lookback on the life of matinee idol Rico Yan


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN