Patricia Javier, Jinggoy Estrada recall fond memories with the late Rico J. Puno

Former senator Jinggoy Estrada and Patricia Javier join hundreds of friends, fans, colleagues, and relatives at Rico J. Puno's necrological service held last night, November 7, at Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati City.


Napuno ng tawanan at halakhakan ang necrological service at eulogy para sa yumaong music legend na si Rico J. Puno.

Ginanap ito sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, nitong Miyerkules ng gabi, November 7.

Si Rico, 65, ay namatay noong madaling-araw ng October 30, Martes, dahil sa heart failure.

 IMAGE Mark Atienza

Dumagsa ang mga kakilala at kaibigan ni Rico sa loob at labas ng showbiz at pulitika.

 IMAGE Mark Atienza

May ilan ding artista na nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan naghayag sila ng panghihinayang sa pagpanaw ni Rico.

Aminado si Patricia Javier na mami-miss niya si Rico, na ilang beses niyang nakasama sa mga concert sa Pilipinas at sa Amerika.

Saad ng aktres, “Hindi ko makakalimutan si Kuya Rico kasi, alam mo yun, ang dami naming shows sa U.S.

“Yung pagpapatawa niya sa tao, kahit sinasabi nila na medyo bastos yung pagpapatawa niya, pero kahit narinig ko na yung mga jokes niya, hindi pa rin ako nagsasawang tumawa.

"Kaya para sa akin, he’s really the king of OPM."

Kahit daw bastos ang jokes ni Rico para sa iba, sinasakyan lang ito ni Patricia.

“May mga jokes talaga siya na kapag hindi ka marunong sumalo ng mga jokes niya, baka mapikon ka.

“Pero dahil sa dami na ng shows na ginawa namin, talagang nasanay na ako sa kanya.

“So, kapag binibiro niya ako, binibiro ko din siya, sinasakyan ko na lang.

“Pero alam mo, ginagawa lang naman niya yun para pasayahin yung mga kababayan natin. Kaya naiintindihan ko siya.

“He is really a total performer."

Patuloy ni Patricia, "Yung mami-miss ko sa kanya, yung mga pambabastos niya... hindi, mami-miss mo sa kanya yung pagiging approachable, pagiging totoong tao.

“Artista siya, pero alam mo yun, kaya niyang i-embrace lahat kasi sobrang mapagmahal siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dating senador naman na si Jinggoy Estrada ay nanghihinayang sa pagpanaw ng music legend.

Saad niya, “Of course, especially sa music industry. Dahil he’s already an icon.”

Sa tanong kung ano ang mami-miss niya sa mang-aawit, natatawa niyang sagot, “Lahat ng mga kanta niya, kinakanta ko, lalo na nung binisita niya ako sa kulungan!”

Tatlong taong na-detain si Jinggoy sa custodial center ng Camp Crame dahil sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.

Ngayong araw, November 8, ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Rico J. Puno sa Heritage Memorial Park.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN