Sammie Rimando confirms breakup with Arjo Atayde; keeps mum about Maine Mendoza

IMAGE @samrimando / CTTO Instagram

Sammie Rimando on breakup with Arjo Atayde: "It's for the better naman po. Napagdesisyunan namin na, sa ngayon, focus muna ako sa career ko din."


Inamin ng GirlTrends member na si Sammie Rimando na hiwalay na sila ng aktor na si Arjo Atayde.

Ito ay matapos ang mahigit isang taon nilang relasyon.

“Okey naman po yung breakup namin. Hindi naman po bad breakup,” pag-amin ni Sammie sa panayam ni DJ Jhai Ho para sa Hotspot 2.0 ng ABS-CBN Facebook page kahapon, November 7.

Ipinaliwanag ni Sammie kung bakit wala silang samaan ng loob ni Arjo sa kabila ng breakup nila.

Aniya, “It’s for the better naman po.

“Napagdesisyunan namin na, sa ngayon, focus muna ako sa career ko din.

“Siya din. Andami niyang projects. Happy ako para sa kanya.

“Nandun pa rin full support ko sa kanya.”

Kahit papaano ay may komunikasyon pa rin daw sila sa isa't isa.

Ani Sammie, "Siguro text-text... Hindi naman tuluy-tuloy. Kumustahan, ganun." 

Ilang linggo na ring usap-usapan sa social media kung sila pa ba ni Arjo, lalo’t nauugnay ang aktor sa Kapuso TV host-actress na si Maine Mendoza.

Nagkakilala sina Arjo at Maine nang magkatrabaho para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Makailang-beses naman silang namataang magkasama sina Arjo at Maine sa labas ng set.

Nitong nagdaang Halloween break, namataan ang dalawa at iba pang kasamahan na nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Pero nang hingan ng reaksyon si Sammie hinggil sa pagkakaugnay ni Arjo kay Maine, tumangging magkomento ang GirlTrends member.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN