Tony Labrusca: "I believe sex is important in a relationship."

IMAGE Noel Orsal

Tony Labrusca on what he's like in a relationship: "I think mapagbigay po ako." 


Tahasang sinabi ni Tony Labrusca na naniniwala siyang importante ang “sexual compatibility,” lalo na sa relasyong mag-asawa.

Pahayag ng 23-year-old actor, “I believe sex is important in a relationship. I honestly do.

“I think it’s important to respect one another.

“But if you look at it kasi, a lot of marriages and relationships fail, one main problem is that they don't have a good sex life.

“So, I think that’s God's gift to a couple.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tony sa presscon ng Glorious, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Angel Aquino.

Ginanap ito sa 9501 restaurant sa ABS-CBN ELJ Building sa Quezon City, kagabi, November 8.

Inihayag dito ni Tony na single siya at walang dini-date ngayon.

Pero todo raw siya magmahal kapag siya ay nasa isang relasyon.

“I think mapagbigay po ako,” nakangiting pag-amin ni Tony.  

“I think I like spoiling the person I’m in love with.

“I really like clingy people. So, walang problema yun sa akin.

“And ako, honestly, medyo jealous type ako.”

Aware si Tony na dumami ang kanyang tagahanga mula nang mag-viral sa social media ang torrid kissing scenes nila ni Angel sa trailer ng Glorious.

Marami ring netizens ang tahasang nagsasabing willing silang maging boyfriend si Tony.

Pero ayon kay Tony, sa totoong buhay ay naranasan na niyang mabasted at hindi raw ganun kadaling makahanap ng tamang karelasyon.

Aniya, “I think love is not easy to have. 

“Because if it is, then everybody would have it and everybody would be able to enjoy it.

“So I think love is something that you really have to search for and dig deep to find in somebody.

“You go through a lot of trial and error.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN