Dingdong Dantes reacts to mandatory pregnancy test at Baguio college

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes: "Imposing enrolment limitations and sanctions to non-compliant students found out to be pregnant are discriminatory."


Para kay Dingdong Dantes, isang uri ng diskriminasyon ang pinaiiral na batas ng isang kolehiyo sa Baguio City na mandatory pregnancy test sa female students nito.

Sa pamamagitan ng Twitter, nag-react ang 38-anyos na Kapuso actor sa policy ng Pines City Colleges sa Baguio City na idi-dismiss ang mga estudyanteng mapatutunayang nagdadalantao.

Noong November 6, Martes, ibinahagi ng CNN Philippines via Twitter ang statement ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Jacqueline Ann de Guia hinggil sa isyu.

Ani De Guia, ang pagdi-dismiss sa mga estudyanteng napatunayang buntis ay labag sa Magna Carta for Women (MCW).

Sabi pa ng CHR spokesperson, ang batas ng Pines City Colleges na “mandatory pregnancy testing not only as to possible MCW violation but also of other women’s rights particularly on the rights to privacy and bodily autonomy."

Ni-retweet pa ng CNN Philippines ang statement ng Pines City Colleges na naninindigan sa kanilang policy na pregnancy test sa mga estudyante “who are enrolling in any subject that would endanger both mother and child.”

Ayon pa sa statement ng unibersidad, “It is a policy agreed to by our students upon their enrollment in this institution.”

DINGDONG REACTS

Sa pahayag ni Dingdong noong November 6, sinabi nitong malinaw na paglabag sa karapatan ng mga kababaihan ang polisiyang ito ng paaralan.

"Despite the College's intention to protect the health of its students and their child, and to contribute in resolving teenage pregnancy in the country, this act remains to be a concrete violation of the basic right to privacy and of the Magna Carta for Women."

Sinabi rin ng aktor na isang uri ng diskriminasyon ang ganitong panuntunan sa mga nag-e-enrol na estudyante at pagpapataw ng parusa sa mga hindi sumusunod.

“Imposing enrolment limitations and sanctions to non-compliant students found out to be pregnant are discriminatory.”

Umaasa ang aktor na pag-aaralan itong mabuti ng kolehiyo at sinusuportahan niya ang panig ng CHR hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa rin si Dingdong na gagawa ng aksyon dito ang National Youth Commission, kung saan naging commissioner-at-large ang aktor mula 2014 hanggang 2016.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN