Ahtisa Manalo is first runner-up in Miss International 2018; Venezuela wins crown

IMAGE Screen grab from YouTube

Mariem Velazco of Venezuela (left) wins Miss International 2018, while Philippine bet Ahtisa Manalo finishes first runner-up.


First runner-up sa katatapos lang na Miss International 2018 ang kandidata ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo, 20.

Ang nanalong Miss International 2018 ay si Mariem Velazco ng Venezuela.

Isang magandang birthday gift ang natanggap ni Velazco dahil ngayong araw, November 9, ang kanyang 20th birthday.

Ginanap ang grand coronation ng Miss International 2018 sa Tokyo Dome City, sa Tokyo, Japan.

Second runner-up si Miss South Africa (Reabetswe Sechoara); third runner-up si Miss Romania (Bianca Tirsin); at fourth runner-up si Miss Colombia (Anabella Castro Sierra).

 IMAGE Screen grab from YouTube

Pasok sa Top 15 ang mga kandidata mula Romania, Mexico, Philippines, Ecuador, Thailand, South Africa, Australia, Paraguay, Japan, Colombia, Venezuela, Indonesia, Ukraine, Spain, at Madagascar.

Nakaramdam ng kaunting tensiyon ang Filipino pageant fans at enthusiasts sa announcement ng Top 8 dahil panghuling tinawag ang Pilipinas.

Pasok din sa Top 8 ang Japan, Romania, Ecuador, Colombia, Spain, South Africa, at Venezuela.

Seventy-seven candidates mula sa iba't ibang bansa ang kalahok sa Miss International ngayong taon.

Ang Pilipinas ay mayroon nang anim na Miss International crowns.

Ang mga Pilipinang nag-uwi ng korona ay sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN