Angel Aquino makes no apology for past relationships with younger men

IMAGE Noel Orsal

Angel Aquino says the age gap was not an issue in her past relationships with younger men, admitting she was 11 years older than her last boyfriend: "Nag-work naman... dahil totoo naman yung nararamdaman niyo para sa isa't isa. Hindi ka naman mai-in love nang basta na lang. Hindi ka naman tanggap nang tanggap. Because you have to be the right person for that somebody."


Inamin ni Angel Aquino, 45, na lapitin siya ng May-December romance sa totoong buhay.

Kaya naka-relate daw siya sa temang "50 is the new 20" ng pelikula nila ni Tony Labrusca na Glorious.

Hindi raw naging issue ang age gap hanggang sa pinakahuli niyang boyfriend na hindi pinangalanan ni Angel.

Nakangiting sabi lang niya, "My past relationships were with younger people. I think the youngest was 11 years younger than me."

Nagkataon lang daw talagang nag-click sila kaya sila naging magkarelasyon.

Paliwanag ni Angel, "Siguro he was ahead of his age. Mas mature siya than an early 30s guy.

"Medyo gets niya ako, at gets ko rin siya. He was very respectful.

"Tama yung sinabi ni Tony kanina, in a relationship like that, pareho kayong may takeaway, you both learn from each other.

"So, nagwo-work naman. Nag-work naman."

Nakapanayam ng entertainment press si Angel sa presscon ng Glorious, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN ELJCC Building sa Quezon City, kagabi, November 8.

AGE GAP NOT AN ISSUE

Ayon kay Angel, hindi maiiwasang may mga tao na hindi pa rin tanggap ang pakikipagrelasyon ng isang babae sa isang lalaking mas bata.

Pero hindi naman daw talaga dapat isyu ang age gap as long as sincere ang isang couple.

Aniya, "Ang hirap kasi pag nire-restrict mo ang sarili mo.

"When you're in that kind of a relationship, magdadalawang-isip ka.

"Hahawakan mo ba yung kamay ng younger man while you're walking in the mall?

"Okey lang ba kayong mag-PDA [public display of affection]? Mahihiya ka ba para sa sarili mo? Mahihiya ka ba para sa kanya?

"All these things go on in your head, pero yun na nga.

"Sana palayain natin yung sarili natin na, 'I am in love this person. I love him very much.'

"And if he genuinely loves you, he won't feel ashamed holding your hand in public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kissing you maybe every now and then in public, kasi pagmamahal naman talaga is what's going on with you."

Depende lang daw talaga sa pagdadala ng isang reaksiyon.

"Pag nakita nila na no regrets and no apologies ka sa ginagawa mo, dahil totoo naman yung nararamdaman niyo para sa isa't isa, I don't think mag-iiba yung reaction nila.

"Because makikita nila na between the two of you, it's something real, genuine, and beautiful."

Madali ba para sa kanya ang makahanap ng true love?

Sagot ni Angel, "Kung ano yung proseso ng bawat tao, ganun din. Hindi ka naman tanggap nang tanggap.

"Hindi ka naman mai-in love nang basta na lang. It always takes two to tango.

"So to be able to find that person who have the same rhythm that you have, na mahahanap mo yung tamang timpla, hindi siya madali.

"Because you have to be the right person for that somebody. Kumbaga, you're dancing to the same music."

Sa ngayon ay may idine-date daw si Angel, pero hindi na niya idinetalye kung sino ito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN